I-FLEX
ni Jun Nardo
WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa isang syudad sa Metro Manila.
This time, si Gerald Anderson ang sumulpot at nakuhanang nagliligtas ng isang bata na na-trap sa loob ng bahay dahil sa baha.
Dahil sa ginawa, trending sa X (formerly Twitter) si Gerald sa good deed na ginawa.
Sa totoo lang, maraming napeste sa bagyong Carina at Habagat na dulot nito. Kanselado ang ilang showbiz events at iilang shows sa TV ang nag-live kahit bumabagyo.
Umaaraw na as of thi writing and hopefully ay magtuloy-tuloy na ito para hindi maulit ang delubyong naranasan natin.