Wednesday , May 14 2025
Kelley Day 2

Beauty-queen Kelley Day balik-showbiz, nasa bakuran na ng 3:16 Media Network

MA at PA
ni Rommel Placente

AFTER two years na nawala sa sirkulasyon, nagbabalik-showbiz ang beauty queen-actress na si Kelley Day. This time, hindi na ang GMA 7 ang humahawak sa kanyang careeer kundi ang 3:16 Media Network na, owned by Len Carrillo.

Ikinuwento ni Kelly kung paano siyang napunta sa pangangalaga ni Ms Len. “Wala akong plan to re-enter showbusiness.  Pero I knew that if may opportunity, na sabi ko sa mom ko, at sa boyfriend ko like..I will not..like go out of my way to find that opportunity kasi I guess, I have other things that I want to achieve also.

“But, if there’s an opportunity that attracks me, then I’m open to it.

“And then, ayun it happened na tumawag ‘yung mom ko sa akin. Sabi niya ‘I met someone I think, she likes to be your manager.’

“So, noong nag-meet kami ni ‘Nay Len, sabi ko, this is what I want.

“Kasi medyo ano ako..sa boundaries ko, sa limitaions ko,” kuwento pa niya.

Ano ang plano niya sa kanyang career?

“I plan to venture into movies, and do some teleseryes again. Because I really enjoyed that at a time,” ani Kelley. 

Connected si Ma’am Len sa Viva at Vivamax. Ready na rin ba siyang gumawa ng pelikula rito at magpa-sexy?

Hindi po ako magbi-Vivamax,” sagot ni Kelley.

Marami na ring beauty queen ang gumawa ng movies sa Vivamax, at nagpaka-daring. Pero ayon kay Kelley, 100% siyang hindi gagawa ng movie sa Vivamax at hindi tatanggap ng daring roles sa ngayon.

Ayokong maghubad lang ako, just for the viewes. Kaunting pa-sexy. It really depends. Kasi, for me I have my own personal limitations.”

Hanggang saan lang ba ang kaya niyang gawin?

Kasi they asked me one time sa isang  meeting, kung kaya kong mag-backless.

“I said, yeah! But it depends on the context of the backless. Kung nagbibihis lang ako, okey lang.

“Pero if it’s an intimate scenes, hindi na!”

May non-showbiz boyfriend si Kelly. Hindi kaya ‘yun ang dahilan kung bakit ayaw niyang magpa-sexy o gumawa ng daring roles ay dahil binabawalan siya?

No naman! He’s very supportive,” sagot niya.

Also I respect my relationship with him. i also want to keep that,” dagdag pa.

Ayaw banggitin ni Kelly ang name ng kanyang boyfriend, na almost three years nang tumatakbo ang kanilang relasyon.

He was one of the people that…during my time of anxiety, even if I was not able to go out in his birthday or family dinner, he’s still with me all the time. Kaya ‘yung respeto ko sa kanya is really high,” wika pa ng dalaga.

About Rommel Placente

Check Also

Zaijan Jaranilla Jane Oineza Puregold Si Sol at si Luna

Serye ng Puregold na Si Sol at si Luna dekalidad na pelikula sa YouTube

MATUTUNGHAYAN ang mga komplikasyon ng pag-ibig at buhay sa trailer ng pinakabagong dating batang artista …

Chuckie Dreyfus Boy Abunda

Chuckie inamin nakaapekto tsismis na bading siya noon

MA at PAni Rommel Placente USAP-USAPAN noon sa mundo ng showbiz na bading ang dating …

Lotlot de Leon Nora Aunor

Lotlot pinasalamatan fans na bumibisita ara-araw sa puntod ni Nora

MA at PAni Rommel Placente ANG mga tagahanga ni Nora Aunor, na mga Noranian, ay araw-araw  pa …

Fyang Smith JM Ibarra Nova Villa Bodjie Pascua Ces Quesada Sylvia Sanchez Picnic Nathan Studios

Nova sa Picnic: a dramatic movie na may lesson sa ating pamilya

RATED Rni Rommel Gonzales NAIRAOS na natin ang pagboto sa eleksiyon ngayong 2025, kaya manood …

Fyang Smith JM Ibarra Nova Villa Bodjie Pascua Ces Quesada Sylvia Sanchez Picnic Nathan Studios

Sylvia trailer pa lang ng Picnic na-magnet na

RATED Rni Rommel Gonzales MAY tila kung anong atraksyon kay Sylvia Sanchez ang Korean movie na Picnic. Trailer …