Wednesday , May 14 2025
Sa Bataan LOLONG TULAK, 2 GALAMAY TIKLO SA BUYBUST

Sa Bataan
LOLONG TULAK, 2 GALAMAY TIKLO SA BUYBUST

NADAKIP ang isang senior citizen na sangkot sa ilegal na droga at dalawa niyang kasabwat sa lugar na  pinaniniwalaang drug den sa ikinasang buybust operation sa Brgy. Tipo, bayan ng Hermosa, lalawigan ng Bataan, nitong Sabado, 13 Hulyo.

Kinilala ng team leader ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga naarestong suspek na sina Racquel Crespo, 69 anyos; Angelo Corpin, 32 anyos; at Ariel Acedera, 25 anyos, pawang mga residente sa nabanggit na barangay.

Nakompiska sa mga arestadong suspek ang kabuuang limang plastic sachet na naglalaman ng 15 gramo ng hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P102,000, sari-saring drug paraphernalia, at buybust money.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsamang mga elemento ng PDEA Tarlac, Bataan Provincial Offices, PDEA RSET, at Hermosa MPS.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang mga naarestong suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …