Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lito Lapid Atty DX Lapid

Lito Lapid binigyang halaga ng SPEEd, Icon Awardee sa 7th The EDDYS

KINILALA ng Society of Philippine Entertainment Editors(SPEEd) ang naiambag ni Senador Lito Lapid sa industriya ng pelikulang Pilipino sa nakalipas na ilang dekada.

Mula sa pagiging extra,  stuntman, at bida sa mga pelikula, hindi pa rin iniwan ng aktor/politiko ang showbiz industry kahit nagsilbing Vice-Governor, Governor ng Pampanga at ngayon Senador sa loob ng tatlong termino.

Binigyang pagkilala bilang EDDYS Icon ang actor-politician sa katatapos na 7th The Eddys o Entertainment Editors’ Choice  na ginanap sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts,  Pasay City noong July 7, 2024.

Sa ngalan ni Senador Lapid, tinanggap ng pamangkin niyang si Atty. DX Lapid ang tropeo kasunod ang taospusong pasasalamat sa bumubuo ng SPEEd at mga kasama sa showbiz industry.

Narito ang mensahe ng Senador na binasa ni Atty. DX Lapid:

Supremo Senator Lito Lapid is deeply grateful for the recognition of his contributions to the Philippine film industry. Ipinaaabot din niya ang pagbati sa mga kapwa artista na nakatanggap din ng karangalan mula sa SPEEd. 

“Sa mahabang panahon, mahal ni Supremo ang industriyang ito. Nagsimula siya sa pagiging extra at stuntman hanggang sa pagbibigay-buhay sa mga karakter sa pelikula at telebisyon gaya ng sa kasaluyang Supremo sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’ kasama si Direk Coco Martin. 

“Kahit sa kanyang 30 taong paglilingkod sa bayan bilang bise gobernador at gobernador noon, hanggang sa pagiging senador ngayon hindi niya iniwan ang industriyang ito na para sa kanya ay isang uri rin ng pagseserbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay inspirasyon at kasayahan. 

“This recognition is a great honour for Sen. Lapid, and it only proves that his dedication and love for the arts and country are truly invaluable. Taos-pusong pasasalamat po mula kay Supremo Senador Lito Lapid.” (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …