Friday , September 6 2024
Sinag Maynila 2024 Film Festival

MoA para sa Sinag Maynila ‘24 Film Festival nilagdaan

SELYADO na ang isang memorandum of agreement (MOA ) sa pagitan ng Solar Entertainment at ng Lungsod ng Maynila para sa isang linggong film festival na gaganapin sa buwan ng Setyembre sa mga piling sinehan sa National Capital Region (NCR).

Naroon sa ginanap na signing ceremony sa City Hall sina Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, Vice Mayor Yul Servo, Secretary to the Mayor Marlon Lacson, Solar President and CEO Wilson Tieng, director Brillante Mendoza, congressman Irwin Tieng, at si Manila Tourism chief Charlie Dungo.

Nangako si Lacuna na lahat ng suporta ay ibibigay ng lungsod para sa tagumpay ng independent festival na may temang “Sine Lokal, Pang-International” na nakatakdang ipalabas sa mga piling sinehan sa Maynila mula 4  Setyembre hanggang 8 Setyembre 2024.

Sinabi ni Dungo, nataon ang agreement signing sa selebrasyon ng buwan ng turismo sa lungsod.

Nabatid sa alkalde na ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay laging nakahandang magbigay sa industriya ng pelikula ng kinakailangang nitong “boost” na dati nang nai-enjoy noong bago pa magkaroon ng pandemya.

Sa bahagi niya, sinabi ni Wilson, lahat ng entries ay tatanggapin pa rin habang ang deadline ay nakatakda sa 24 Hulyo 2024.

Nabatid na ang lahat ng admission fees sa mga participating cinemas ay mas mababa sa P200 upang mahikayat ang mga manonood na tangkilikin ang nasabing festival.

Ipinaliwanag ni Wilson na ang dahilan kung bakit niya pinili ang Maynila bilang venue ng festival dahil siya ay isang true-blue Manileño, ipinanganak at lumaki sa Binondo. Pamangkin ni Mayor Lacuna-Pangan  si congressman Irwin Tieng, na kinatawan ng Fifth District ng Maynila. (BONG SON)

About Bong Son

Check Also

Juan Luna Isang Sarsuela

Juan Luna: Isang Sarsuela napapanahong panoorin, depresyon at sakit sa isip tinalakay

HARD TALKni Pilar Mateo WALA kang itulak kabigin. Lagi na. Tuwing manonood ako ng dula …

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Sa ilang araw na lang bago ang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, …

Rey Coloma

AMHUMAN Annual Worldwide Award Best of the Best Gala Night ni Direk Rey Coloma, gaganapin sa Sept 8, 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SI Direk Rey Coloma ay isang kilalang personalidad sa industriya ng  pelikula at terapyutika. …

Willie Revillame Boobsie

Willie may ibinulgar sa totoong pagkatao ni Boobsie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HALOS naiyak din ako sa naging rebelasyon ni Willie Revillame patungkol kay Boobsie, isa …

Martin Nievera

Martin kumasa rin sa Maybe This Time dance craze

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAAALIW naman ang concert King na si Martin Nievera dahil game na game …