Monday , December 23 2024
gun ban

Illegal gun trader nabitag sa buybust

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang nagbebenta at nagkakalat ng mga ilegal at hindi lisensiyadong baril sa lungsod ng Baliwag, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng gabi, 1 Hulyo.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng  Bulacan PPO, nakatanggap ng tawag sa telepono ang Baliwag CPS tungkol sa isang indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagbebenta ng mga baril sa Brgy. Tarcan, sa nabanggit na lungsod.

Bilang tugon sa natanggap na impormasyon, dakong 6:00 pm ay nagsagawa ng buybust operation ang mga tauhan ng Baliwag CPS sa pamamagitan ng isang poseur buyer.

Nang magpositibo ang transaksiyon, inaresto ang suspek na kinilalang si alyas Erick, 26 anyos, tubong Dasmariñas, Cavite, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Tarcan.

Nakompiska mula sa suspek ang isang 12-gauge shotgun, isang 2.5-cm bariles na walang serial number, anim na pirasong bala ng 12-gauge, at marked money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit ang mga nakompiskang ebidensiya para sa ballistic examination habang inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 10591 na isasampa laban sa mga suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …