Thursday , August 14 2025
Kurt Fajardo

Newbie singer male version ni Andrea Brillantes

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NAKA-KALAHATING taon na. Sa muli nitonf pagbubukas nagdiwang ng ika-40 anibersaryo ang kauna-unahang sing along/comedy bar  na kinilala sa bansa, ang Music Box.

Sa patuloy na pamamayagpag nito sa suporta ng sister bar na The Library ni Mamu Andrew de Real, natutupad ang goal nila ng business partner na si Jerick Gadeja na mas marami pang talento ang mangibabaw sa mga patuloy ding nagwo-workshop  sa kanilang Bagong Sibol.

May D’Calibre Entertainment Talent Management si Jerick. Na karamihann nga ay sumasampa na at nagho-host sa naturang sing-along bar.

At isa sa talaga namang napansin sa kahusayan sa pag-awit mula nang magbukas ito ngayong taon (noong Enero) ay ang napaka-guwapo ring si Kurt Fajardo.

Nadiskubre si Kurt ni Mamu Andrew sa isang comedy bar sa Pasay (Joke Time). Namasyal si Kurt kasama ang kapatid na si Levin. Pareho silang kumakanta at mahilig sa musika. Kaya nga sa pandalas na nilang punta roon hanggang dumako na sa The Library eh nabansagan na silang Kantatero Brothers.

Pero bago pa man ‘yun  ang pagla-live selling na pala ang pinagkakaabalahan ni Kurt.

Si Mamu ang nagpakilala kay Kurt kay Jerick. Kaya isinama na siya sa D’Calibre Entertainment.

At sa pandalas na pagdalaw  ng isa pang may mata pagdating sa mga talentong gaya ni Kurt na si ‘Nay Jobert Sucaldito, nakuha ang atensyon nito.

Kung may lalaking version si Andrea Brillantes, si Kurt ‘yun. Ganoon kaganda at kaguwapo ang kanyang mukha. Na talaga namang pinagkakaguluhan ng kababaihan, kabaklaan, at mga cougar na napapadpad sa Music Box at sa iba pang kinakantahan nito.

Naging paborito agad siya ni ‘Nay Jobert. Kaya agad-agad ang request nito ng mga kanta ng Air Supply sa binata kapag dumadalaw sa Music Box.

Doon nabuo ang desisyon na papagawaan na ng kanta ni ‘Nay Jobert si Kurt kay Joven Tan. At mabilis na ang mga sumunod na pangyayari.

Noon pa ay naipadala na namin sa Star Music ang ilang sample ng pagkanta ni Kurt. At ngayon ngang may kanta na ito ay masususugan nang nakipag-collab na kina Mamu at na si ‘Nay Jobert para sa karera ni Kurt bilang mang-aawit.

Nagawa agad ang kanta. Sakyan Mo Pa ang titulo ng awitin na iri-release na sa Spotify very soon. Isa’t kalahating oras lang ito nai-record ni Kurt kaya tuwang-tuwa sina ‘Nay Jobert at Joven sa kanya.

Ayon kay ‘Nay Jobert, pang-jukebox ang dating nito. Kaya abangan na ang pag-alagwa ni Kurt sa mundo ng musika! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Cecille Bravo Aking Mga Anak

Philanthropist-Businesswoman Cecille Bravo mahusay sa Aking Mga Anak 

MATABILni John Fontanilla MARAMING nagulat sa ipinakitang husay sa pag-arte ng Philanthropist at Celebrity Businesswoman …

Elias J TV Beverly Labadlabad

Selos dahilan ng away nina Beverly at Elias 

MATABILni John Fontanilla MARIING pinabulaanan ng businesswoman-talent manager na si Ms. Beverly Labadlabad ang bali-balita na may …

Gary V Angeli Pangilinan

Gary V nakaranas ng tunay na himala

MA at PAni Rommel Placente NOONG August 6 ipinagdiwang ni Gary Valenciano ang kanyang 61st birthday kasabay …

Toni Gonzaga Bayani Agbayani Alex Gonzaga Isko Salvador Brod Pete Eric Nicolas

Bayani inilaglag si Alex, pinuri si Toni

MA at PAni Rommel Placente SA bagong game show ni Toni Gonzaga na Ang Tanong, ay naging players …

Vanderlei Zamora

Vanderlei Zamora bagong aabangan sa mundo ng pageantry 

MALAKI ang tsansang makuha ni Vanderlei Zamora ang titulo bilang Mister Teenager Universe 2026 na gaganapin sa Surabaya, Indonesia …