Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Proteksiyon nga ba sa mga manggagawa ang Eddie Garcia Law?

SIPAT
ni Mat Vicencio

TIYAK na mag-iingat ang mga tiwali at mapagsamantalang negosyante o kapitalista na nasa industriya ng pelikula at telebisyon matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang Eddie Garcia Law.

Ang Republic Act 11996, ganap na naging batas nitong Mayo 24, ay nag-aatas sa mga negosyante na ipatupad ang tamang oras sa trabaho, tamang sahod at iba pang may kaugnayan sa benepisyo sa sahod, social security at welfare services, basic necessities, health at safety, working condition at standard, insurance at iba pang benepisyo.

Kung tutuusin, halos limang taon bago tuluyang naisabatas ang dating House Bill 1270 (Eddie Garcia Law) na unang ipinanukala sa Kamara noong 18th Congress ni 1-Pacman party-list Rep. Mikee Romero, stepson ni Eddie Garcia.

Sabi ni Romero…“We would like to express our deep gratitude to the President for honouring Eddie, Manoy to family and friends, and his contributions to the entertainment industry.”

Si Romero ang principal author ng panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ipinangalan sa beteranong actor na si Eddie Garcia ang nasabing batas matapos bawian ng buhay noong 2019. Matatandaang sa gitna ng isang shooting, si Garcia ay natalisod sa isang kableng nakaharang at tuluyang namatay dahil sa ‘cervical cracks at fractures.’

Pero sa tuluyang pagsasabatas ng tinatawag na Eddie Garcia Law marami ang nagsasabing ‘makitid’ daw ang batas dahil sa limitasyong nasasakop nito ay tanging industriya lamang ng pelikula at telebisyon.

Nasaan nga naman ang proteksiyon ng iba pang mga nagtatrabaho tulad ng mga beerhouse dancers, theater actors, backup dancers, wedding singers, performers sa ibabaw ng truck kapag fiesta at iba pang mga manggagawa?

Kung susuriing mabuti, tama ang puna sa nasabing batas, at lumalabas na nakalimutan ang mga manggagawa na nasa ibang sektor o industriya ng paggawa dahil ang nabigyan lamang ng pagpapahalaga ay ang mga nasa industriya ng pelikula at telebisyon.

Pero hindi naman kaya ang layunin talaga ng batas, sa simula pa lang ng mga deliberasyon o pagdinig ng Committee on Labor sa Eddie Garcia Law ay naka-angkla lamang sa mga manggagawa ng dalawang industriya?

Kaya nga sa pagpapatupad ng Eddie Garcia Law sana naman ay maisip ng mga legislators ang mga manggagawa at iba pang performers na hindi napabilang sa nasabing bagong batas na patuloy na pinagsasamantalahan ng mga tiwaling negosyante.

Sa Senado, si Senator Robin Padilla ang naging principal author at co-sponsor ng Eddie Garcia Law.

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …