Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vivamax 11 Million Balinsasayaw Serbidoras

Vivamax bentang-benta sa mga OFW at ordinaryong Pinoy

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

BONGGA ang Vivamax, bawing-bawi sila at na-access na pala almost all over the world. Kaya naman kilalang-kilala ang mga Viva actor all over at sa obserbasyon ko ay kampante na ang mga artista nila. Kaya sanay na sanay na sila kahit gaano ka-daring ang ipagawa sa kanila. 

Gaya ng Balinsasayaw, story ng betrayal, connivance, at paghihiganti. Babaeng nagpakasal sa isang babaero. Ang mayamang babae humanga na in love sa isang guwapong babaero na plano lang huthutan si girl. Kasabwat ang dating kaibigang pinakasalan. Kaya riyan na sila magkakagulo. 

Simpleng story pero tinatangkilik ng mga kababayan natin lalo na ang mga OFW.

Ganoon din ang Serbidoras. Tatlong babaeng nagtatrabahong mga seksing waitress na naghahanap ng masisilong mga lalaking may sinasabi sa buhay. Mereseng may asawa man o wala.

Ang twist ng story ay mabubuko sila ng mga asawa ng karelasyon nila. Kaya riyan ang gulo sa story ng movie. 

Kaya bentang-benta ang mga Vivamax sa mga ordinary one Pinoy lalo na sa ibang bansa na maraming OFW. Kaya subscribe na kayo sa Vivamax.

Samantala, bongga pa rin ang Vivamax na 11 million na ang subscribers from 7 million last June 2023. 

Ang laki ng itinaas huh. 

Napakasuwerte ng Viva na naisipan nila na itayo ang Vivamax. Dito lang buhay na buhay na sila. Ang maganda pa ay marami silang nabibigyan ng trabaho. 

Congratulations sa inyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …