HINDI sinasadyang masilaban ng apoy ng isang 74-anyos lalaki ang kanyang sarili habang naglilinis ng masukal na lupa sa Brgy. Inoman, bayan ng Pozorrubio, lalawigan ng Pangasinan, nitong Martes, 7 Mayo.
Ayon sa pulisya, nagsisiga ng mga damo at dahon ng kawayan ang biktimang kinilalang si Fabian Songcuan, 74 anyos.
Hindi napansin ni Songcuan na lumalaki na ang apoy at kalaunan ay natupok din siya na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Walang nakitang foul play ang pulisya ngunit patuloy ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa insidente.