Saturday , May 3 2025
Ruru Madrid
Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz nang mapansin at inalok ng namayapan direktor na si Maryo J delos Reyes. 

Nilisan ni Direk Maryo ang mundo at nagtuloy-tuloy naman ang showbiz career ni Ruru under the guidance ng noon ay GMA Artist Center na nayon ay GMA Sparkle.

Sa mga lumipas na panahon hangang sa kasalukuyan ay malayo na ang narating ni Ruru at naging matagumpay ang kanyang acting career at saksi ang mga magaganda at matagumpay na proyektong ibinigay sa kanya ng GMA mula Encantadia, Lolong at ngayon ay Black Rider na nakikipagsabayan sa Batang Quiapo ng ABS-CBN.

Marami ang tumututok sa serye ni Ruru hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang parte ng mundo na may GMA Pinoy TV. Tuloy-tuloy ang  blessings ni Ruru na kamakailan ay nakatanggap ng isang special recognitin mula sa New York Festival Films ang TV Awards ang serye niya.

Nasungkit ng Black Rider ang isang Bronze Medal sa Entertainment Program, Drama Category. Ibinahagi ni Ruru ang recognition sa mga unsung heroes at mga Pinoy na humaharap sa liffe challenges. Kaya bongga ang serye at pang international na.

Kaya tuloy-tuloy pa rin ang laban ni Ruru sa mga underworld characters.

About Joe Barrameda

Check Also

Jojo Mendrez Nandito Lang Ako 

Nandito Lang Ako ni Jojo 10 million + na ang collective views

MA at PAni Rommel Placente BONGGA si Jojo Mendrez dahil ang latest single niya na Nandito Lang Ako, …

Zsa Zsa Padilla Conrad Onglao

Zsa Zsa maligaya sa simpleng buhay nila ni Architect Conrad

MA at PAni Rommel Placente KAHIT minsan ay may pinagdaanan ang relasyon ni Zsa Zsa Padilla sa …

Klinton Start

Klinton Start excited sa first movie 

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start dahil makakasama siya …

Marlo Mortel

Marlo iiwan pansamantala ang pag-arte

MATABILni John Fontanilla EXCITED na si Marlo Mortel sa coronation night ng Miss Universe Philippines na gaganapin sa May …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong muling sinusuportahan si Bam Aquino, pinuri integridad at track record

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAHAYAG ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kanyang suporta sa …