I-FLEX
ni Jun Nardo
ITINANGI ni Michael V sa isang interview na magtatapos na ang sitcom niyang Pepito Manaloto.
Bumuhos kasi ang espekulasyon sa pagtatapos ng GMA sitcom dahil sa isang group picture na inilabas ni Bitoy sa kanyang social media accounts.
“Nakatuwaan lang naming mag-post for a group picture dahil matagal na naming hindi ito nagawa! Not true na magtatapos na ang sitcom running for more than a decade. Marami pang puwedeng mangyari sa sitcom,” rason ni Bitoy.