Friday , May 10 2024
Donny Pangilinan Belle Mariano Donbelle Bibe Hair

DonBelle pinagkaguluhan nang bumili ng bibe hair clip sa Binondo

MA at PA
ni Rommel Placente

VIRAL ang video nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na namimili ng usong-uso ngayong bibe hair clip sa Binondo. Sa nasabing lugar kasi sila nagti-taping ng top-rating series na Can’t Buy Me Love. 

Habang break time nila sa kanilang taping, ay sinamantala nila na mag-ikot-ikot sa Binondo. At dito nga ay bumili sila ng bibe hair clip. Hindi rin talaga sila pahuhuli sa uso, huh.

Makikita sa video na si Belle ang pinapili ni Donny sa mga itinitindang bibe hair clip sa Binondo na kanilang isusuot. 

Sa pag-iikot ng DonBelle sa Binondo, dahil mga sikat, pinagkaguluhan sila ng mga tao. Game na game naman ang dalawa na nagpa-picture sa mga ito. Kaya tuwang-tuwa sa kanila ang netizens.

Siyempre pa, kilig na kilig naman ang mga tagahanga ng DonBelle sa viral video nila. Sabi ng mga fan, kaya nakiuso sina Donny at Belle sa bibe hair clip ay dahil bibe, as in baby nila ang isa’t isa.

Well, sana nga ay talagang baby nina Donny at Belle ang isa’t isa at hindi sila hanggang loveteam lang, para mas lalo silang mahalin ng kanilang mga tagahanga. Ang mga fan kasi, ang gusto nila sa loveteam ay loveteam din sa totoong buhay, ‘di ba?

Gaya ko, tagahanga ako ng loveteam noon nina Maricel Soriano at William Martinez. Kilig na kilig talaga ako sa kanila. At winish ko na sila ang magkatuluyan. Kaso nga, hindi ‘yun nangyari. Kaya na-sad ako nang mauwi rin sa wala ang  kanilang relasyon. Hanggang loveteam lang talaga sila noon.

About Rommel Placente

Check Also

Claudine Barretto Raymart Santiago

Claudine ‘di muna magdyodyowa hangga’t ‘di pa naa-annul kasal kay Raymart

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio WALA pang planong makipagrelasyon o makipag-boyfriend si Claudine Barretto. At simula …

Claudine Barretto Rico Yan

Claudine iginiit never sinaktan ni Rico

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Claudine Barretto sa vlog ni Ogie Diaz, inamin niya na …

paulo avelino

Paulo mas feel ang love letter ng fans kaysa materyal na regalo

NAKATUTUWA naman si Paulo Avelino. Hindi siya materialistic. Hindi niya sinasamantala ang mga fan niya na …

Harvey Baustista

Harvey may kaunting adjustment sa pagkakasama sa High Street

MA at PAni Rommel Placente NAGBABALIK ang mga bida ng Senior High na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes para sa …

Liza Soberano Bea Alonzo Ogie Diaz

Ogie sinagot pag-like at pag-repost ni Liza sa demanda ni Bea

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanyang vlog na Showbiz Update kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh ay …