Friday , May 17 2024
Kris Aquino Boy Abunda Bimby Josh

Josh at Bimby inihabilin na ni Kris kay Boy

I-FLEX
ni Jun Nardo

USAP-USAPAN ngayon ang pagharap ni Kris Aquino sa kamera noong mismong kaarawan niya, February 14 para sa Fast Talk ng kaibigang Boy Abunda.

Maayos ang hitsura ni Kris pero halatang may sakit. Kay Boy niya ipinagkatiwala ang exclusive interview kahit nag-request din sa kanya si Jessica Soho.

Sa bahagi ng pahayag ni Kris, muli siyang sasailalim sa isang health procedure na maaaring maging delikado raw. Either magkaroon siya ng heart attack o hindi na magising.

I refuse to die,” deklarasyon ni Kris na sa dasal kumakapit. Inihabilin na rin ni Kris kay Boy ang dalawang anak at magiging bahagi na rin siya ng kanyang hospital bills.

Huwag kang iiyak, Boy,” bilin ni Kris sa kaibigang hindi siya iniwan mula noong aktibo pa siya sa showbiz hanggang may sakit.

Maraming bawal kay Kris  pero ang ikinatutuwa niya, marami ring nagdarasal para malampasan ang mga sakit.

About Jun Nardo

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Inday Fatima Ana Ramsey Queenay

Inday Fatima, Ana Ramsey, Queenay mga bagong host ni Willie sa TV5

I-FLEXni Jun Nardo IPINAKILALA na ang tatlong female co-hosts ni Willie Revillame sa bago niyang game show …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …