Wednesday , January 8 2025
Romm Burlat PMPC

Direk Romm Burlat, thankful sa PMPC at sa Star Awards for Music

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGPAHAYAG ng sobrang kagalakan ang aktor-direktor-producer na si Romm Burlat sa nakuha niyang nomination sa gaganaping 15th Star Awards for Music ng  Philippine Movie Press Club (PMPC).

Masayang kuwento niya sa amin, “Ang song na na-nominate sa akin ay ang Sarili’y Pagbigyan, para sa category na New Male Recording Artist of the Year.

 Ang nominees sa kategoryang ito ay ang mga sumusunod:

•Bernie Batin- Pabili Wanpipte | Ivory Music and Videos

•Jaycee Domincel Hanggang Saan Mo Ako Mamahalin- Mart-O Music Production

•Johnrey Rivas – Twinkle Star | Philstagers Productions

•Kim De Leon – Safe With Me | GMA Music

•Raven – Tayo Pa Rin Talaga | Sony Music Philippijes

•Romm Burlat- Sarili’y Pagbigyan | TTP Productions

•Wize Estabillo- Mekaniko ng Puso | Star Music

Paano niya ide-describe ang song na ito?

Esplika ni Direk Romm, “Ito’y isang light ballad na song, that emphasizes on taking care of yourself. Okay naman iyong magmahal at tumulong ka sa iba, pero dapat ingatan natin ang ating puso.”

Nalaman din namin sa maigsing tsikahan kay Direk Romm thru Facebook na ito ang unang single niya na mula sa composer na si John Ray.

“Actually, ito ang una kong single, pero magre-record ako ng tatlong songs next month.”

Ano ang na-feel niya nang nalamang nominated siya sa Star Awards for Music?

“Sa totoo lang, hindi ako mapakali… Tiningnan ko lahat ng mga posts ng mga PMPC officers just to validate kung nominated ba talaga ako.”

“Iba iyong feeling kasi singing ito at no less than sa PMPC pa galing, may prestige talaga. Kaya sobrang happy talaga ako and very thankful sa mga bumubuo ng PMPC at sa kanilang Star Awards for Music,” masayang dagdag pa niya.

Isa siyang direktor, writer, producer at aktor, tapos ngayon ay singer na rin, ano ang priority niya talaga?

“Ang pagiging director and actor ko ang first and foremost talaga,” matipid na pahayaga niya.

Inusisa rin namin kung kailan siya nagsimula bilang singer at maging recording artist.

Pahayag ni Direk Romm, “Noong kabataan ko ay kumakanta na talaga ako. That time, bale sumasali na ako sa mga singing contest. Pero noong nag-high school at nag-college ako, nag-switch ako sa dancing which nag-grand champion din ako.

“As a recording artist naman, nag-umpisa ako early last year lang.”

Since direktor din siya sa pelikula, hindi niya ba ikino-consider na gawing theme song sa movie niya ang mga kantang kanyang inire-record?

Sambit ni Direk Romm, “Actually, ang song na Sarili’y Pagbigyan ang theme song ng pelikula kong Manang, which stars Julio Diaz, Sabrina M, Janice Jurado, at Ms. Tess Tolentino.

“Ako rin ang director sa music video nito.”

Pahabol pa ni Direk Romm, “Bale, sa March pa ipapalabas iyong pelikula naming Manang, sa streaming app.”

Incidentally, congratulations kay Direk Romm. sa matagumpay na pagdaraos ng unang Philippine Distinct Men and Women of Excellence awards last  December 28, 2023 na ginanap sa Manila Grand Opera Hotel & Casino.

About Nonie Nicasio

Check Also

Skye Gonzaga

Skye Gonzaga, masayang pagsabayin pagiging sexy actress at DJ

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Skye Gonzaga sa mga sexy actress na masarap …

Jak Roberto Barbie Forteza David Licauco

BarDa mas may future bilang reel/real tandem

PUSH NA’YANni Ambet Nabus USAPANG break-up nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang isa sa 2025 pasabog sa showbiz. …

Gina Alajar Mon Confiado Shamaine Buencamino

Gina, Mon, Shamaine damay sa bashing ng netizens kay Darryl

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AGAD din namang may kumuwestiyon sa batikang aktres/direktor na si Gina Alajar na gumaganap daw …

Darryl Yap The Rapists of Pepsi Paloma

Pasabog ni direk Darryl patok na patok

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WHETHER we like it or not, marami ang pumapatol sa pasabog na …

GMA SM Mall of Asia new year countdown

Salubong ng GMA patok, humamig ng 2 million views

I-FLEXni Jun Nardo TAGUMPAY ang pasabog na Salubong 2025 ng GMA Network last December 31 sa SM Mall of …