Thursday , February 22 2024
Albie Casino Angela Khang Jeffrey Hidalgo

Albie Casino sumabak na rin  sa pagpo-produce

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

BINIRO namin si direk Jeffrey Hidalgo na hindi kaya kalampagin siya ng yumaong National Artist na si direk Ishmael Bernal, dahil ang isa na namang classic movie na ginawa nito ay title ng latest Vivamax offering niyang Salawahan.

This is not actually the first time na gumawa ako ng may same title na ginawa ni direk Ishma. Nagawa ko rin dati ‘yung ‘Ligaw na Bulaklak,’ but both are entirely different concepts. Suwerte lang ako dahil si Raquel Villavicencio ang writer kaya’t tiwala akong hindi namin babastusin ang classic movie titles ni direk Ishma,” paliwanag ni Jeffrey.

Ang Salawahan din ang first venture ni Albie Casino bilang co-producer ngayong nasa Viva Artist Center na rin ang magaling na aktor.

Kasama ni Albie sina Angela Khang, Van Allen Ong, Shiela Snow, at Itan Rosales.

Hindi na bagito sa pagdirehe ng sexy, intimate and bold scenes si Jeffrey, na minsan na ring naging daring as an actor sa ibang sexy films. “Alam ko ang limitations, alam ko ang puwede sa hindi. Artista rin po ako kaya alam ko ang nararamdaman at iniisip ng mga artistang naghuhubad o gumagawa ng mga intimate na eksena,” dagdag pa nito.

Showing na sa Feb, 2 sa Vivamax ang Salawahan.

About Ambet Nabus

Check Also

Donny Pangilinan Maricel Laxa

Donny may lalim umarte

MA at PAni Rommel Placente ISA talaga si Donny Pangilinan sa mga young actor natin ngayon na …

Liza Soberano Tessa Albea AJ Perez

Liza Soberano ibinahagi pagiging super fan ni AJ Perez

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Liza Soberano ni Tessa Albea sa One Down, ibinunyag na …

Dingdong Dantes Marian Rivera Senate

DongYan , Joaquin binigyang pagkilala sa Senado

I-FLEXni Jun Nardo PINARANGALAN ng Senado sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, at buong staff na bumubuo ng …

Ferdie Estrella Abot Kamay Na Pangarap

Problema ng GMA sa Baliwag tinapos na 

I-FLEXni Jun Nardo NATAPOS na ang sa Baliwag scene na eksena sa top-rating GMA show na Abot Kamay …

Gabby Concepcion TVJ

Popularidad ni Gabby nasagasaan ng TVJ; Afternoon programming ng GMA humina

HATAWANni Ed de Leon HINDI ba ninyo napansin mukhang hindi masyadong umingay ang huling serye …