Friday , May 17 2024
Northern Police District, NPD
Northern Police District, NPD

Wanted ng NPD nasakote sa caloocan

ARESTADO ang isang lalaki na nakatala bilang top 7 most wanted person sa Northern Police District (NPD) sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Caloocan police City chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng IDMS, Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas “Rudy” na wanted sa kasong pagpatay.

Bumuo ng team ang IDMS-WSS sa pangunguna ni PSSg Michael Agub bago nakipag-ugnayan sa Bagong Barrio Police Sub-Station 5 sa pangunguna ni P/Cpt. Paul Normal Larugal saka nagsagawa ng joint manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong 10:10 ng gabi sa Pangako St., Barangay 151.

Ani Col. Lacuesta, dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Caloocan City Regional Trial Court Branch 129 Judge Rose Sharon Santiago Cordero-Abila noong December 19, 2023, para sa kasong Murder.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa IDMS-WSS ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

Alexis Castro Connor Costello

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian …

BuCor CHR NBP Bilibid

CHR umarangkada vs strip search ng BuCor

TINANGGAP ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga imbestigador ng Commission on Human …