Friday , May 17 2024
Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Malabon timbog

SWAK na sa kulungan ang isang lalaki na kabilang sa mga most wanted person (mwp) matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Malabon City police chief P/Col. Jay Baybayan, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Jo-Ivan Balberona hinggil sa kinaroroonan ng isa sa mga most wanted person ng lungsod.

Sa pangunguna ni PCMS Edwin Castillo,  dakong 1:00 ng hapon, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS ng manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusadong si alyas Romy  sa Pioneer St., Brgy., Tinajeros ng nasabing lungsod.

Ang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Malabon City Regional Trial Court Branch 290 Presiding Judge Rosario Gomez Ines-Pinzon noong January 18, 2024, para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165 Article II Section 11).

Pansamantalang ipiniit ang akusado sa Malabon CPS Custodial Facility Unit habang hinihintay ng pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Alexis Castro Connor Costello

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian …

BuCor CHR NBP Bilibid

CHR umarangkada vs strip search ng BuCor

TINANGGAP ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga imbestigador ng Commission on Human …

SHS graduates may libreng TESDA skills assessment sa 2025

MAKATATANGGAP ng libreng TESDA skills assessments ang mga Senior High School (SHS) sa ilalim ng …

Philippines Plane

Para sa DFA
Travel agencies humiling na ikonsidera estriktong ‘visa rules’ sa Chinese tourists

DAPAT timbangin ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Embassy ang positibo at negatibong …

Nuclear Energy Electricity

Unang nuclear power plant posibleng buksan at magamit pagsapit ng taong 2032 – DOE

POSIBLENG mabuksan at magamit ang kauna-unahang Nuclear Power Plant sa Filipinas pagsapit ng taong 2032. …