SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NAKAGUGULAT at naka-eeskandalong sexcapades sa hotel ang ipakikita sa pelikulang Room Service ni direk Bobby Bonifacio, Jr. sa Vivamax ngayong Enero.
Masasabing “first day high” ang mararanasan ni Carol (Shiena Yu) sa kanyang unang araw bilang room attendant sa 3-star hotel dahil bubungad agad sa kanya ang pagtatalik ng dalawang hotel guest nang makita niyang bukas ang pinto ng kanilang kuwarto. Hindi ito ang unang pagkakataong nakita niya ang lalaki at noong una pa lang ay natipuhan na niya ito.
Sa paglipas ng mga araw, naobserbahan ni Carol na iba’t ibang babae ang dinadala ni Michael (Angelo Ilagan) sa kanyang kuwarto. Lalong lumalalim ang pagnanasa niya kay Michael kahit na mayroon siyang nobyo – si Arvin (Nathan Cajucom), pero nakukulangan siya sa kanilang sex life.
Pinagpapantasyahan na nga ni Carol si Michael, hanggang sa dumating ang araw na inimbitahan siya nito.
Streaming na ang Room Service sa Vivamax.
At para tapatan ang intensity na hatid ng Room Service ay may isa pang sexy-drama Vivamax Original Movie na una ring offering ng cult director na si Roman Perez Jr.’s ngayong 2024. Pinagbibidahan nina Denise Esteban, Aiko Garcia, at Victor Relosa. Panoorin ang kuwento kung paano magugulo ang buhay ng mag-asawa na namumuhay ng payak at payapa sa pagdating ng isang misteryosa at nakaaakit na dalaga. Palipat-Lipat, Papalit-Palit, streaming na sa Vivamax.
Sina Edna (Denise) at Larry (Victor) ay mag-asawang masayang namumuhay ng simple sa probinsiya habang nagtatrabaho sa kanilang tahungan. Pero lahat ‘yon ay magbabago nang isang araw ay makita nila ang isang walang malay na babae (Aiko) na may hawak na puting bimpo sa kanilang tahungan. Tutulungan nila ang babae at iuuwi sa bahay. Malalaman nila kalaunan na Amy ang pangalan nito at naaksidente at ang kanyang asawa nang masira ang sinasakyang bangka habang nasa laot at siya ay inanod papunta sa tahungan.
Aalagaan nina Edna at Larry si Amy at tutulungan na makarecover, at sa paglipas ng mga linggo at buwan ay magiging komportable sa iisang bubong ang mag-asawa at si Amy. Pero ang maganda nilang samahan ay magiging komplikado nang magsimulang mahulog si Amy sa kakisigan at kabaitan ni Larry.
Matagalan kaya nila ang ganitong kasunduan at mabuhay ng payapa na magkakasama? O isa kina Edna at Amy ang bibigay, magwawala, at magagalit sa pinasok nilang kalagayan?
Alamin ang mga nakagugulat pang tagpo sa napaka-kontrobersiyal na sitwasyon, panoorin ang Palipat-Lipat, Papalit-Palit, streaming na sa Vivamax.