Friday , May 17 2024
Glenda Dela Cruz Korina Sanchez Alden Richards Jackie Gonzaga

Pinakamakinang: Brilliant Awards 2023

MAKINANG ang pagtatapos ng taon handog ng Brilliant Skin Inc., isa sa mga nangungunang beauty at cosmetic brand sa bansa sa Brilliant Awards 2023: Brightest of All Time.  Ginanap ito noong Disyembre 21 sa Newport Performing Arts Theater na dinaluhan ng mga franchisee at distributor mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa na dumalo suot ang kanilang makinang na gowns na pawang kulay rosas. 

Ang TikTok comedienne at content creator na si Queen Dura ang sumalubong ng panayam sa mga panauhin sa pink carpet sa isa sa itinatayang pinakamalaking kaganapan ng Brilliant Skin Essentials ngayong taon.

Ang programa ay binuksan ng A-Team, 4th Impact, at Brilliant Skin Ambassador na si Andrea Brilliantes, na nagpakitang-gilas sa pagsasayaw bago sinundan ng opening speech ni Brilliant Skin CEO, Ms. Glenda Dela Cruz. Nagpahayag siya ng kanyang pasasalamat sa lahat ng mga Brilliant– isang terminong ginawa niya para sa mga tagasuporta, franchisee, at distributor na dumalo kahit maikli lang ang paghahanda dulot ng biglaang pag-abiso. 

Aniya, ang tagumpay ng Pinakamakinang: The Brilliant Concert 2023 ay ang paglulunsad ng TikTok Live Philippines sa Malaysia – na ginawa siyang unang Filipina Ambassador ng TikTok Shop Philippines. Ipinakilala rin sina Luis Manzano at Mariel Rodriguez bilang mga host ng event.

Si Daniel Matsunaga ang nagtawag ng mga unang pinarangalan, kabilang ang Live Streamer Award, Digital Market Place Trailblazer, E-Commerce Excellence Award, Rising Star in Outstanding Achievement, Exceptional Leadership in Network Growth at Team Player Extraordinaire. Ang mga awardee ay mula sa iba’t ibang distrito, lungsod, probinsiya at rehiyonal na distributor.

Nagpakitang-gilas si Kean Cipriano kasama ang kanyang banda sa gabing iyon, sinundan ng unang raffle draw na 10 ang nanalo ng P5,000 cash at 10 din ang nag-uwi ng Lenovo Chromebooks.  Lima naman ang nanalo ng iPhone SE.

Nasa Brilliant Awards din si Ms. Korina Sanchez, na nagsalita tungkol sa pagsisimula ni Ms. Glenda ng Brilliant Skin na ngayon ay isa sa pinagkakatiwalaang beauty brand sa bansa. Ibinahagi rin niya kung paano sila naging magkapartner bago pa man magka-pandemya at kung paano niya hinahangaan ang kanyang kabaitan, pagiging bukas at pagiging masipag sa pagpapalago ng kanyang negosyo kasama ang kanyang mga kasosyo na naniniwala sa Brilliant Skin Essentials.

Inawit ni Juan Karlos ang kanyang mga kantang Buwan at Ere, na nagbigay ng kasiyahan sa mga manonood, sinundan ng mga parangal para sa mga Top Sales Achievers mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Nagpaunlak din si Jackie Gonzaga ng sayaw,  na sinundan ng pagkanta at pagsasayaw mula kay Kyle Echarri. Hinarana rin nina Jason Dy at Paulo Avelino ang mga Brilliant sa kanilang song performances.

Ang highlight ng gabi ay ang pagbibigay ng parangal sa mga Top Regional Franchisees ni Ms. Glenda kasama ang bagong mukha ng Brilliant Skin Essentials na si Alden Richards. Sinundan ito ng pagpapakilala kay Ms. Shen Garcia bilang Chief Operating Officer ng Brilliant Skin Essentials. 

Nagpatuloy ang mga sorpresa sa grand raffle draw na nagbigay hindi lang ng isa kundi sa dalawa na maiuwi ang P50,000.  

Tig-dadalawa ri  ang nanalo ng iPhone 15 Pro Mac, Yamaha NMax mototrcycle, at isang grand winner ng MG AJV Car.

Nagtapos ang gabi sa isang performance mula kay Asia’s Soul Supreme, KZ Tandingan.

Tunay na ito ang pinakamakinang at pinakamakabuluhang pagtatapos ng Brilliant Awards 2023. Pagbati sa lahat ng mga nanalo at higit pang tagumpay sa Brilliant Skin Essentials.

About hataw tabloid

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Inday Fatima Ana Ramsey Queenay

Inday Fatima, Ana Ramsey, Queenay mga bagong host ni Willie sa TV5

I-FLEXni Jun Nardo IPINAKILALA na ang tatlong female co-hosts ni Willie Revillame sa bago niyang game show …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …