Friday , May 17 2024
Allen Dizon Katrina Halili Baby Bo Louie Ignacio

AbeNida nina Allen at Katrina inaayos na ang playdate

RATED R
ni Rommel Gonzales

ANG malaking tagumpay ng Metro Manila Film Festival ang tila apoy na lalong nagpainit sa naisin ng lady producer na si Baby Bo na muling maging aktibo sa pagpo-produce ng pelikula.

Si Ms. Baby ang reyna ng BG Films International.

Lahad niya, “Siyempre bilang producer, lahat matutuwa rin na sila ay kumita rin at lumalaki at pinapabalik ang dating sigla ng showbiz.

“Kasi, talaga namang nawala.

“Masaya ako kasi bumabalik na ang sigla ng mga producer at mga artista. Nandito pa rin sa puso ko ang pagpo-produce.”

Aariba muli ang BG Films ngayong 2024.

Nag-focus lang ako dati sa subdivision ko, pero ngayon, gagawa na ako uli. Pero i-showing ko muna ‘yung movie ko na tapos na.

“Alam niyo naman kung gaano ko kamahal ‘yung showbiz. Nandiyan pa rin ang BG Productions,” sinabi pa ni Ms. Go na isa ring real estate queen.

May nakahanda na silang pelikula na inaayos na ang playdate, ang AbeNida nina Allen Dizon at Katrina Halili na idinirehe ni Louie Ignacio.


Nasa movie rin sina Vince Rillon, Joel Lamangan, Ina Alegre, Leandro Baldemor, at Ms. Gina Pareño.

Speaking of Allen, positibo si Ms. Go na kikita ang peliklua ng aktor dahil na rin sa kasikatan nito sa Abot Kamay Na Pangarap ng GMA.

Natutuwa ako kasi ‘yung ‘Abot Kamay,’ nakilala talaga siya roon.

“Naka-message ko nga siya noong isang araw. Naroon daw siya sa taping… napakabait kasi ng taong ‘yun,” pahayag pa ni Ms. Go.

Nakasali na ang AbeNida sa Danang International Film Festival sa Vietnam, sa International Imago Film Festival di Civitella del Tronto sa Italy (na nanalong Best Actor si Allen), at sa Asian Barcelona Film Festival sa Spain.

At malamang, kung maaayos, ay mapapanood ito sa Netflix.

About Rommel Gonzales

Check Also

Kelvin Miranda Kira Balinger

Kelvin at Kira ‘di naiwasang ‘madala’ sa kanya-kanyang role

MAGANDA na talaga ang tila balik-normal na activity ng mga tao lalo na ‘yung mahihilig …

Benz Sangalang

Benz Sangalang tinaguriang Vivamax King

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “SIGURO po ay may ibang plano si Lord kung kaya’t parang …

Cecille Bravo Intele Builders and Development Corporation

Mag-asawang Cecille at Pete Bravo pinarangalan sa 2024 Netizens Choice Awards 

MATABILni John Fontanilla MULING tumanggap ng natatanging pagkilala sa katatapos na Netizens Choice Awards 2024 na ginanap …

Karla Estrada family

Karla deadma sa panlalait: mga anak bunga ng pagmamahal 

MATABILni John Fontanilla MANHID na ang TV host/actress, Karla Estrada sa panlalait ng ibang tao sa kanya …

Kelvin Miranda Kira Baringer

Kelvin sa totoong relasyon nila ni Kira: Hindi naging kami, sobrang komportable lang sa isa’t isa

MA at PAni Rommel Placente SA May 29, Wednesday, ipalalabas sa mga sinehan ang pelikulang Chances …