PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NGAYONG ginagamit na uli ng TVJ group ang Eat Bulaga title, theme song and soon ay ang mga segment na pag-aari nila, may mas magandang development kaya sa noontime shows’ rivalry?
Pinalitan na at bago na ang title ng TAPE Inc show at tinawag na nila itong Tahanang Pinakamasayasince nag-order na nga ang korte na bawal nang gamitin ang Eat Bulaga. Panibagong panalo sa panig ng TVJ at Dabarkads na tinanggap naman ng Jalosjos group though ayon sa legal minds, posible pa rin itong i-apela.
Meanwhile, steady lang ang It’s Showtime lalo’t may bagong kinagigiliwang portion na Karaoke Kid or something.
Hmm..tila wala pa namang masyadong nakagugulantang sa mga ganapan though we expect na this 2024, mas iigting pa ang mga kompetisyon ng mga noontime show.