Friday , May 17 2024
Prison Bulacan

5 pugante sa Central Luzon swak sa kalaboso

Ang walang tigil na pagsisikap ng pulisya sa Central Luzon na arestuhin ang mga indibidwal na hinahanap ng batas ay nagresulta sa pagkaaresto sa limang most wanted persons (MWPs) sa rehiyon, tatlong araw pagkatapos ng pagdiriwang ng Bagong Taon .

Enero 3, ikinalaboso ng Pampanga police sina Jerry Pikit-Pikit y Cabigting (MWP – Regional Level) at Jerald Nino Fernandez y Santos (Rank 4 MWP – Provincial Level).

Pinaghahanap ng batas si Pikit-Pikit dahil sa paglabag sa Sec. 5 Art. II ng RA 9165 (2 Counts) na walang inirekomendang piyansa habang si Fernandez ay may warrant of arrest (WOA) para sa krimeng Rape by Sexual Intercourse (2 Counts) na walang inirekomendang piyansa, Acts of Lasciviousness Under Art. 336 ng RPC kaugnay sa Sec. 5 (B) ng RA 7610 na walang inirekomendang piyansa at paglabag sa Art. 266-A(2) ng RPC na sinususugan ng RA 8353 kaugnay ng Sec. 5(B) ng RA 7610 at inamyenda ng Sec. 3 ng RA 11648 (4 Counts) din na walang inirekomendang piyansa.

Sa kabilang banda, inaresto naman kamakalawa ng San Miguel MPS tracker team si Gilbert Victoria y Delos Reyes (Rank 1 MWP – Municipal Level) sa bisa ng WOA dahil sa paglabag sa RA 10591(Illegal Possession of Firearm and Ammunition) na may Php100,000.00 na inirekomendang piyansa .

Noong Enero 2 naman, dinakip ng mga pulis ng Olongapo si Engelbert De Leon y Martinez (Rank 3 MWP – Municipal Level) para sa krimeng Rape sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 1(a) ng Revised Penal Code (3 Counts) na walang inirekomendang piyansa.

Samantala, inaresto ng Regional Mobile Force Battalion 3 (RMFB3) kasama ang Jaen MPS si Esquivel Mildred y De Guzman (Rank 8 MWP – Municipal Level) dahil sa krimeng Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na Php120,000.00 noong unang araw ng 2024.

Kaugnay nito, si PBGen Jose S. Hidalgo Jr, Regional Director ng PRO3, ay pinuri ang pagsusumikap ng operating troops upang mahanap at mahuli ang mga nangungunang pugante.

Idinagdag niya: “Sisiguraduhin namin na ang mga naarestong most wanted na indibiduwal ay haharap sa mga kinakaharap  na krimen. Ang mga tagumpay na ito ay nagpapakita lamang na ang pulisya ay hindi tumitigil at patuloy na paiigtingin ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad at tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad”. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

Alexis Castro Connor Costello

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian …

BuCor CHR NBP Bilibid

CHR umarangkada vs strip search ng BuCor

TINANGGAP ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga imbestigador ng Commission on Human …