MATABIL
ni John Fontanilla
INANUNSIYO ni Baby Go sa kanyang pre- New Year Thanksgiving Party na muling gagawa ng pelikula ang kanyang BG Productions Inc..
Nakagawa na ng 17 films ang kanyang film outfit na halos karamihan ay umani ng parangal ‘di lang sa bansa kundi sa ibang bansa.
Ayon nga sa producer, “May mga naka-line-up na kaming projects. Nakapag-meeting na rin kami ng production staff ko.
“I can confidently say that we are ready to make movies again this year.”
At ngayong 2024 ay ibinalita rin nito na magkakaroon sila ng collaboration ng Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio.
Hindi lang sa paggawa ng pelikula magiging active si Baby dahil muli nitong bubuksan ang kanyang BG Showbiz Plus magazine.
“Naniniwala pa rin ako na may market pa rin sa print,” anito.
Ilan sa naging panauhin ni Ms Baby sa party ang mga kaibigan nitong sina Imelda Papin, Atty. Jose Villanueva at ang maybahay nitong si Malou, William Castro ng FFCCCII, at ilang members ng Chinese Chamber of Commerce, representatives ng Masagana Partylist, officer ng Pardsss na si Oyette Banayo, Atty. Topacio, Aileen Papin, Bamboo Bobadilla, at Janah Zaplan.
Present din ang mga anak, manugang, at apo ni Ms Baby na sina Jean Go-Marasigan, Patty Go-Gamboa, Pamela Go-Novera, at Jerome Go.