MATABIL
ni John Fontanilla
MATAPOS lumabas ang isyung hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim ay nagtungo ng Balesin ang aktres para magbakasyon.
Nag-post nga ito larawan na naka-2 piece bathing suit at may caption na, “Grateful for small things, big things and everything in between.”
Sey nga ng netizens na baka nagmumuni-muni si Kim kaya nagbakasyon sa Balesin dahil nga naman 11 years din ang naging pagsasama ng dalawa bilang magdyowa. Baka raw ito ang paraan ni Kim para madaling maka-move on sa break-up nila ni Xian.