Saturday , November 23 2024
POLPhil National Ecumenical Prayers for Peace

POLPhil nanguna para sa kapayapaan multi-sectoral group sumuporta

NAGPAKAWALA ng mga puting kalapati ang mga convenor’s ng National Ecumenical Prayers for Peace na simbolo ng inaasam na pangmatagalang kapayapaan matapos lumagda gamit ang kanilang mga thumbprints ng isang pangako na tumulong sa pagwawakas ng ilang dekada nang hidwaan sa pagitan ng gobyerno at ng mga rebeldeng komunista at yakapin ang isang bagong landas tungo sa kapayapaan.

Ang kaganapan ay pinangunahan ng mga miyembro ng Political Officers League of the Philippines (POLPhil) na sinamahan ng mga pinuno ng simbahan, akademiko, opisyal ng gobyerno, dating opisyal ng militar, negosyante, solo parents at community leaders na nakabase sa Quezon City.

Ang makasaysayang kaganapan ay ginanap sa University Hotel sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.

Idinalangin ni Edicio dela Torre, dating pari at political prisoner, ang pagbibigkis  ng mga tao, anoman ang paniniwala sa relihiyon, kultura o pananaw ay mahalaga sa paghahanap ng landas na mapayapa hindi lang patungo sa kapayapaan at katarungan kundi bahagi na rin ang  pagtatanggol sa kalikasan na biyaya ng ating Panginoon.

‘Ika niya, “Peace be the path to justice and not just a fruit to justice”.

Ipinunto niya sa mensahe ang kahalagahan ng environmental peace na pinapatibay nito ang ating ekonomiya, ang ating lipunan, ang ating mismong pag-iral.

Bukod kay Dela Torre kabilang sa prominenteng bisita na dumalo ay sina Aleem Raj Pumbaya, National Commission of Muslim Filipinos (NCMF); Gary Salacop, Sharia Councilor, NCMF Central; Prof. Nestor Castro, former Vice Chancellor – UP Diliman;  Niva Gonzales, Board Member of Bantayog Ng Mga Bayani Foundation; Josie Velasco, Solo Parent Sectoral Rep-QC; Asec. Elizabeth De Leon ng DILG Community Participation; Prof. Alexander De Luna ng Pamantasang Lungsod Ng Marikina; Brian Lu, Chairman ng CS0 Representative to the Quezon City Development Council; Rudy “Kid” Caneda, POLPhil National President; Ricardo R. Serrano Chairman Emiritus, POLPHIL; Noel M. Medina, Vice President, POLPhil; at  Nati Agbayani, POLPhil Executive Director. (TEDDY BRUL)

About Teddy Brul

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …