Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Buy-bust sa Kankaloo
P68-K SHABU HULI SA TULAK

BAGSAK sa selda ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang mabuking ang P68,000 halaga ng shabu nang masakote sa isinagawang buybust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si alyas Ronel, 27 anyos, residente sa Brgy. 49 ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong 1:17 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Emmanuel Aldana ng buybust operation sa Doña Consuelo St., Brgy. 19 matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa pagbebenta ng shabu ng suspek.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makaiskor sa suspek ng P6,500 halaga ng droga at nang tanggapin ang marked money mula sa operatiba kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga awtoridad.

Nakompiska sa suspek ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price value na P68,000 at buybust money na isang tunay na P500 bill at anim na pirasong P1,000 boodle money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …