Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cassy Legaspi John Gabriel Vilma Santos

Cassy naaksidente, tumama ang ulo habang nag-e-exercise 

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAGKARON pala ng freak accident si Cassy Legaspi habang nasa shooting ng festival movie rito sa Pinas na kabilang siya.

Nasa isang tent daw si Cassy na tila nag-e-exercise. Malapit siyang nakikita ni John Gabriel na kasama rin sa movie habang nasa bandang malayo naman si Darren Espanto.

Kuwento ni John nang mainterview sa Marites University, “Pinanonood ko lang si Cassy sa stretching niya. Then parang nakita kong babagsak.

“Agad ako tumayo at sinalo siya. Gayunman, bumagsak pa rin siya at tumama ang ulo sa sahig.

“Agad akong sumigaw para humingi ng tulong. Agad namang tumakbo si Darren para umalay sa amin.

“Pinatawagan ko ang father ni Cassy at agad na dinala sa ospital. Ang sabi ng doctor, overfatigue ang nangyari kay Cassy,” balita ni John.

Isa si John sa bagong artists ni Daddie Wowie Roxas at kasabayan niya ang isa pa nitong artist na si Joaquin Domagoso.

Abangan ang interview namin kay John sa Marites Uniiversity na sinubok siya ng mga hamon sa showbiz na muntik na niyang ikasuko, huh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …