Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Anthony Fernandez

Mark Anthony ‘di pa kumukupas ang galing

NAKUY mare, kapag napanood mo si Mark Anthony Fernandez sa Vivamax movie na Ganti-Ganti at Viva Films na Para Kang Papa Mo, aakalain mong nasa 90’s tayo noong kasagsagan ng kasikatan niya.

Hindi pa rin kumukupas ang aktor pagdating sa husay sa pagganap. At kahit very daring ang role niya sa Vivamax film na idinirehe ni Mac Alejandre (yes si direk Mac nga) mula sa panulat ni kuya Ricky Lee(yes, the National Artist), hindi mo papansinin ang paghuhubad niya at pakikipaglampungan sa mga mahuhusay ding sina Angeli Khang at Yen Durano

Nakatatakot ang pagiging kontrabida niya sa movie.

Then last Sunday during the press screening ng Darryl Yap movie na Para Kang Papa Mo, ibang klaseng Mark naman ang nakita namin. Bilang nakulong at nakalayang tatay ni Nikko Natividad, madamdamin naman ang mga eksena niya na noon pa niya kapang-kapa. 

Bading si Nikko sa movie at mahuhusayan ka sa kung paanong ipinadama ni Mark ang pagtanggap at pagmamahal sa anak.

Comedy-drama ang movie ni direk Darryl na pinagbibidahan din nina Zeus Collins, Kid Yambao, Jao Mapa, Eric Fructuso, at Ruby Ruiz

Sana ay mas maging aktibo at serious si Mark sa mga kagayang roles. Pogi pa rin at very natural actor ito kaya’t keri pa niyang talbugan ang ilan diyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …