Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Vice Ganda

Vilma at Vice Ganda may malaking sorpresa sa 2024

I-FLEX
ni Jun Nardo

MAY nilulutong sorpresa sina Vilma Santos at Vice Ganda for 2024!

Ibinalita sa amin ito ni Vilma via text nang inalam namin kung saan at kailan naganap ang muli nilang pagkikita nina Maricel Soriano at Roderick Paulate sa isang dressing room.

Sa text sa amin ni Ate Vi, nangyari ang pagkikita sa taping ng I Can See Your Voice show ng anak na si Luis Manzano.

Unang nag-taping sina Mary at Dick para sa promotions ng movie nilang In His Mother’s Eyes habang nandoon naman si Vilma kasama sina Christopher de LeonDarren Espanto, at Cassey Legspi para sa filmfest movie nilang When I Met You In Tokyo.

Then, sumunod na bumisita sa make up room ko si Vice Ganda. Nag-usap kami for next year. Surprise!!!” text pa ni Ate Vi sa amin.

Lumabas sa Instagram ni Ate Vi ang video ng kumustahan nila ni Maricel habang inaasar si Dick na kunwari ay tinatawag ang guard para alamin kung sino ang nagpapasok dito.

Of course, open book na ang naging issue kina Ate Vi at Maricel, huh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …