Saturday , May 18 2024
Robb Guinto Micaella Raz Vince Rillon Araro

Robb ‘di importante kung bida o supporting lang

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGBIDA na si Robb Guinto ng kung ilang beses sa ilang Vivamax movie pero hindi nito alintana ang sumuporta sa mga kapwa niya artista. Tulad ngayon, supporting lang ang role niya kay Micaella Raz na kasama niya sa pelikulang Araro na idinirehe ni Topel Lee at mapapanood sa Vivamax simula November 19, 2023.

Para kasi sa akin hindi importante na maging bida o supporting. Ang akin is gusto kong ma-explore kung ano ang mga hindi ko pa nagagawa na roles. Hindi naman din kasi importante sa akin na maging bida ako o hindi,” esplika ni Robb kahapon sa isinagawang mediacon ng Ararosa Viva Cafe, Cubao, QC.

Malaking pasasalamat naman ang ibinalik ni Micaella kay Raz sa suportang ibinigay ng ‘kapatid’ niya sa Vivamax. 

Noong una kasi nagkakilala kami ni Ate Robb sa workshop, sabay kaming nag-workshop. Mas nauna talaga siyang magkaroon ng mga bida role and malalaking roles. And sobrang nakatutuwa na may mga aktor na hindi iniisip ang estado nila sa isang role kung suportado man o bida. ‘Yun ang maganda sa mga nakakasama ko sa Vivamax kasi hindi ganoon ang tingin nila while working actor,” ani Micaella.

At hindi naman basehan ang character para masabi na magaling ka, na mahusay ka,”dagdag pa ni Robb.

At iyong story po rito sa Araro it all started with Ate Robb kaya nabuo ang Araro at mag-e-end din sa kanya ang Araro,” giit pa ni Micaella.

Bukod kina Robb at Micaella kasama rin sa pelikula sina Vince Rillon, Ronnie Lazaro, Araz Alonzo, Dyessa Garcia, Cess Garcia, jenn Rosa, Matthew Francisco, Vern Kaye, Horace Mendoza, Vino Gonzales, at Raffy Tejada.

Ang Araro ay  isang Vivamax Original Series na pinamahalaan ni Topel Lee na bibida  si Vince bilang si Edgar, isang mapagmahal na anak at maalagang kapatid. Si Arah naman si Rosalia, ang love interest ni Edgar. Sina Micaella at Dyessa sina Luisa at Lyka Sanchez, at si Cess naman si Rhoda – ang tatlong babaeng gagamitin ni Edgar para sa kanyang mga plano.  At si Matthew si Leon, ang lalaking paghihigantihan ni Edgar.

Mapapanood din sa series sina Robb bilang si Erlinda, at ang batikang actor na si Ronnie Lazaro bilang Sir Luis Sanchez, ang mayamang haciendero.

Ang Araro ay tungkol kay Edgar, isang simpleng tao na nagtatrabaho sa ibang bansa para sa pamilya. Laging inuuna ni Edgar kung ano ang kailangan ng kanyang ama at mga kapatid, at wala itong hindi gagawin para sa kanila. Magugulo ang simpleng buhay nila nang malagay sa peligro ang kapatid ni Edgar na si Erlinda, at buhay nito ang naging kabayaran.  

Samahan si Edgar sa kanyang paghihiganti at abangan ang Araro sa Vivamax, mapapanood na simula November 19, 2023.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …