Tuesday , December 31 2024
Kitkat Dahlia Flores Sakura Lounge PH

Kitkat ‘pinagkakitaan’ agad ang anak; Bagong endorsement na Sakura Lounge PH ipinagmalaki

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TAWA kami ng tawa nang buong ningning na ipagmalaki ni Kitkat na ‘pinagkakakitaan’ na niya ang anak na si Baby Uno. Of course biro iyon pero nakatutuwa nga namang sa murang edad nito’y kumikita na agad.

Ma may endorsement na si Baby Uno, diaper. Kaya ‘pinagkakakitaan’ ko na siya! Kaya gagawa pa kami ni Papa Walby (ng baby) para mas maraming pagkakitaan,” birong tsika ni Kitkat sa ribbon cutting ng Sakura Lounge PH na pag-aari ng kanyang ‘kambal’ at kaibigang si Dahlia Flores.

Ani Kitkat, na isang taong gulang pa lang ang anak, gusto nilang sundan agad si Baby Uno dahil enjoy sila at iba raw pala talaga ang pakiramdam ng may anak. Bagamat mas maraming hirap ang dinanas simula nang ipagbuntis hanggang maipanganak ni Kitkat si Baby Uno, nanaisin pa rin niya ang masundan agad ito.

Alam mo ‘yan Ma na marami akong isinakripisyo kay Baby Uno pero sulit naman dahil napakabibo at gusto naming sundan siya agad,” anito.

At nakatutuwang nakakapagtrabaho agad si Kitkat kahit hands on mommy ito at nagpapa-breast feed.

Oo pagkatapos kong manganak may bago na naman agad akong kita, ha ha ha, bukod sa pinagkakitaan ko na ang anak ko ha ha ha. Hindi kasi, itong Sakura ay kaibigan ko ang may-ari, family talaga kami. Kaya kahit hindi niya ako bayaran. Isa kasi ako sa nagbuyo sa kanya na magtuloy sa ganitong business, may ganito rin kasi siyang business sa Japan ‘yung Sakura Lounge Japan niya.

Dati may iba siyang shop na franchise and noong nag end ang contract binubuyo ko na siya na dalhin na ‘yung shop niyang ganito rin na nasa Japan dito sa Pilipinas. Bale ako ang endorser ng nails niya. Noong may franchise siya pigil siya siyempre kung ano lang ang rule ng company iyon lang, this time gusto kong ma-feel niya na sa kanya ito, kahit anong gawin niya pwede. Kasi sobrang hands on ‘yan eh. Kahit taga-Japan siya ginagawa niyang Cubao ang Pilipinas para lang maasikaso niya ito at saka siya mismo ang gumagawa. 

“At dahil magaling siya at sobrang ginalingan niya, lagi siyang hinahanap. Eh ganoon din sa Japan siya rin ang hinahanap. Kaya pabalik-balik siya,” sabi pa ni Kitkat.

First in the Philippines itong mga services at produkto na ginagawa rito sa Sakura. At kung ano ang mayroon sa Japan dinadala niya rito, tulad nitong powder dip nail extension na forte niya talaga at inaral niya talaga sa Japan. Then ‘yung mga ginagamit niya rito direct from Japan talaga kaya quality. Alam naman natin kapag galing Japan maganda talaga,” sabi pa ni Kitkat na more than a month bago nawawala o natatanggal ang nail extension na ipinagagawa niya.

“At sabi ng ibang shop kapag ginupit mo ang nail extension natatanggal mag-isa, ang sa akin hindi ang tibay ako na talaga ang sumuko. Parang fresh pa nga noong ginupit ko, alam mong quality.

“Iyon naman ang sinasabi niya na quality at affordable.”

Sa totoo lang one stop beauty shop nang matatawag ang salon niya sa Japan dahil kompleto ito sa services from lashes to nails to facial, massage etc. Kaya naman marami rin siyang parokyano roong Japanese, Filipino at iba’t ibang lahi na bumabalik-balik at naging suki na lalo pa’t mahilig magpaganda.

Naabutan man ng pandemic ang franchise shop na binuksan dito sa Pilipinas, nasuportahan naman ito ng shop niya sa Japan. “Grand opening okey pa 2018 pagdating ng 2019, December nag-start na ng lock down at doon na nag-start ng challenge sa aking buhay. Pero hindi ako sumuko dahil marami nang na-invest at dedication ko bigla ko lang bang i-let go? At siyempre may pride rin ako nasimulan ko na, sayang naman. Kaya itinuloy ko lang kahit sobrang hirap. Marami naman din kasing pumupunta rito sa shop ko rito sa Pilipinas kahit nagla-lock down. Kilala rin naman kasi nila na quality talaga ang services and products na ibinibigay namin sa kanila.”

At kahit marami ring beauty aesthetics na nagsusulputan lamang si Dahlia sa kanila dahil direct from Japan ang mga produktong ginagamit niya plus mas mababa pa ang presyo.

Sa pagbubukas ng sariling aesthetics, proud si Dahlia sa naabot niya. “Sobrang saya, finally kasi kapag sarili mo ng branch, lahat pwede mo nang magawa. Lahat ng napag-aralan ko sa Japan pwede ko nang ipasok dito ng wala akong inaalala. Like lashes, eyebrow lift kasi wala sila niyon (dating franchise company), nag-aral din ako ng eyebrow lift sa Japan iyong itinataas ang kilay. Ito iyong permanente na one month na nakataas ang kilay, nail piercing na pinag-aralan ko rin sa Japan. Ito iyong mga advantage na kaya kong gawin sa sarili kong beauty salon.     

And ‘yung ibang services na nakikita nila sa mga beauty or aesthetics salon mayroon din kami rito. Lahat makikita nila rito sa Sakura Lounge PH-x facial, hifu, carbon laser, usually foot spa like mani-pedi, gel nail, body massage, kompleto kami. At ngayong araw, Nobyembre 17 ang aming grand opening,” kuwento pa ni Dahlia na open ang kanyang lounge from Tuesday-Sunday. 

At bakit naman si Kitkat ang napili niyang endorser sa nails ng kanyang Sakura Lounge PH?

“Unang-una she’s a good friend of mine way back pa ang aming friendship. Ako rin ang producer ng musical play na D.O.M dirty old musical  show nila before. And ambassador siya before niyong beauty shop na nag-franchise ako,” ani Dahlia. “Kaya kapag andito ako sa Pilipinas nagmi-meet kami at kapag nagpupunta siya ng Japan nagkikita kami at ninang ako ng anak niyang si Baby Uno,” kuwento pa ni Dahlia.

Twenty years na sa Japan si Dahlia na bukod sa beauty lounge ay may iba pang negosyo. Pero dahil love niya ang Pilipinas, dinala rin niya ang negosyong alam niyang maraming Pinoy ang maiinlab at matutulungan para lalong gumanda.

At kapag naging successful talagang gusto kong mag-branch out pa kung saan talaga pwede. At kahit maraming kapareho ng aming beauty salon, tiwala ako na tatangkilikin kami dahil sa quality ng aming produkto at quality ng aming gawa. Kahit kasi anong ganda ng shop pero yung quality kung hindi mo nami-meet, hindi balance. Kaya para sa akin doon ako nagpo-focus sa quality, sa gawa, sa services at kung paano nila mahalin.

“Hindi rin masyadong pricey ang mga services namin, sakto lang. At alam ko rin naman ang ang presyuhan talaga. Actually kaya kong magmahal pero hindi lang iyon ang focus ko, ang gusto ko high quality at the same time babalik at babalik ang client,” giit pa ni Dahlia.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

MMFF50 Topakk Uninvited

‘Uninvited’ at ‘Topakk’, parehong must-watch-movies sa MMFF50

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPANOOD namin pareho ang mga pelikulang ‘Uninvited’ at ‘Topakk’ last …

Aga Muhlach Uninvited

Aga mapapamura ka sa galing

RATED Rni Rommel Gonzales NAIMBITAHAN kami ng Mentorque Productions, thru colleague Reggee Bonoan sa block screening for the …

Arjo Atayde Aga Muhlach Dennis Trillo Piolo Pascual

Arjo maile-level na kina Aga, Dennis, at Piolo

RATED Rni Rommel Gonzales BATANG paslit pa lamang si Arjo Atayde ay kilala na namin siya at …

Rosh Barman

Rosh nagpapasalamat sa Nathan Studios

MATABILni John Fontanilla ISANG malaking karangalan para sa aktor na si Rosh Barman ang makasama sa  pelikulang Topakk na …