Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana

Carla itinanggi isang sikat na aktor ang bagong BF

MA at PA
ni Rommel Placente

NAPA-“Oh my gosh” si Carla Abellana nang matanong ito kung totoong isang sikat na aktor ang bago niyang boyfriend.

Wala naman po! Wala po!” hirit ni Carla.

Walang artista or what, aktor or anything, wala talagang ganoong eksena!” dugtong na sabi niya.

Pero handa na ba siyang magkadyowa ngayon?

Hindi ko masasabi kung open na ako, pero ayoko rin namang sabihin na ayoko na. Kumbaga, kung ano na lang ang dumating, na go with the flow na lang ako.

“Ayoko rin namang mag-close ng doors, pero ayoko rin namang mag-jump sa relationship agad!” sey niya.

Pero, kumusta na `yung mga nagpaparamdam sa kanya?

Nawala na silang lahat. Hahahaha!” sagot niya.

Noon mayroon kahit paano, pero wala talaga `yung consistent!” aniya pa.

Baka naman binasted niya agad?

Ay, hindi naman! Wala lang anything serious or what, na nag-pursue, na nanligaw. May nagparamdam, pero hanggang ganoon lang,” chika pa ni Carla.

Napag-usapan din ang tungkol sa diborsyo nila ni Tom Rodriguez.

Sabi ni Carla, iba nga ang proseso rito sa Pilipinas, at ‘yun ang hinihintay nila, para masabing malaya na talaga sila.

Technically divorce na kami, pero sa Pilipinas, in the process pa po `yon, ‘yung pag-recognize na `yon sa divorce!” sabi na lang ni Carla.

Naku, sa dami na rin ng nagawa kong wedding scene, parang wala na siya. Hindi ko na rin kasi mabilang sa daming beses na rin na naglakad ako sa aisle.

“Talagang part na lang ng work, o ordinary scene na lang siya sa akin.

“Hindi na bumabalik `yung mga ano noon, wala na talaga,” paliwanag pa ng aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …