Sunday , May 19 2024
Carla Abellana Beauty Gonzalez Gabby Concepcion

Gabby simpatiko pa rin, pag-aagawan nina Carla at Beauty

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

MAY bago na namang pagkakaabalahan ang mga Kapuso viewer tuwing hapon simula noong Lunes bilang kapalit ng Magandang Dilag. Ito ay ang Stolen Life na kinabibilangan nina Gabby Concepcion, Carla Abellana, Beauty Gonzales, at ang nagbabalik na si Celia Rodriguez

Sa edad ni Gabby ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang pagkasimpatiko ng aktor at marami pa rin ang nahuhumaling sa kanya. Kaya bagay na bagay ang role niya rito na pinag-aagawan nina Carla at Beauty. Hindi naman mabigat na drama ito at may pagka hilarious dito si Carla habang kontrabida ang role ni Beauty. 

Sobra naman ang pasasalamat ni Beauty sa GMA Network sa magagandang project na ibinibigay sa kanya simula nang lumipat siya rito.

Kasama rin sina Lovely Rivera, Anjo Daimlers, Divine Aucina, at Juharra Asayo. Ito ay sa direksiyon ni Jerry Sineneng.

About Joe Barrameda

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …