RATED R
ni Rommel Gonzales
GUSTONG “anuhin” ni Beauty Gonzalez si Alden Richards.
Tinanong kasi si Beauty kung sino pa ang nais niyang makatrabaho na artista sa GMA.
“Marami, marami talaga,” wika ni Beauty. “Well, I really wanna work with a lot of… ang hirap i-explain, eh. Marami.
“Alden Richards, I wanna work with him, I haven’t worked with him.
“Feeling ko kaya ko siyang anuhin,” ang nakalolokang dayalog ni Beauty tungkol sa Pambansang Bae.
“Aanuhin” niya si Alden?
“Because I wanna get the beast out of him,” ang tumili at humalakhak na sagot ni Beauty.
Kaya niyang gawin iyon kay Alden?
“Kaya ko! Kaya ko.”
Kung magkakasama sila ni Alden sa isang proyekto ano ang role na nakikita niya para rito?
“I want him to be bad boy. ‘Yung parang ano, I don’t know, different thing, I don’t know.”
Bakit si Alden ang napili niya?
“Well because he is the hottest guy right now and you wanna hit with the hottest one, right,” at muling tumawa si Beauty.
“But you know kidding aside I really wanna work with everybody else, the new Sparkle artists, from Star Magic, everybody.
“And it’s always nice to see new talents also and discover new ones.”
Si Beauty ay si Farrah sa Stolen Life ng GMA kasama sina Carla Abellana bilang si Lucy at si Gabby Concepcion bilang si Darius.
Sa direksiyon ni Jerry Sineneng, nasa cast din sina Lovely Rivero bilang Belen, Divine Aucina bilang Joyce, Anjo Damiles bilang Vince, Juharra Asayo bilang Cheska, at si Miss Celia Rodriguez bilang Azon.
Magsisimulang umere ang Stolen Life ngayong Nobyembre 13, at mapapanood Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.