Monday , May 13 2024
Iza Calzado Piolo Pascual The EDDYS SPEEd

Iza Calzado, Piolo Pascual sanib-pwersa bilang mga host ng 6th The EDDYS ng SPEEd sa Nov. 26

MAS magniningning pa ang inaabangang gabi ng ikaanim na edisyon ng The EDDYS Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa Nobyembre 26, 2023 sa Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City.

Bukod sa Ultimate Leading Man at award-winning actor-producer na si Piolo Pascual, isa pa sa magsisilbing host sa 6th The EDDYS ang premyadong aktres na si Iza Calzado.

Ang pagbibigay-parangal at pagkilala ng 6th The EDDYS sa mga natatanging pelikulang Filipino nitong nagdaang taon ay mula sa direksiyon ng award-winning actor-director na si Eric Quizon.

Ito’y ihahatid ng Airtime Marketing Philippines ni Tessie Celestino-Howard.  Magkakaroon din ito ng delayed telecast (Disyembre 2, 2023, Sabado) sa A2Z Channel.

Samantala, limang pelikulang Filipino na nagmarka at nang-agaw ng eksena noong nakaraang taon ang maglalaban-laban sa 6th The EDDYS.

Ang mga nominado sa kategoryang Best Film ay ang Bakit ‘Di Mo Sabihin ng Firestarters at Viva Films; Blue Room mula sa Heaven’s Best Entertainment, Eyepoppers Multimedia Service at Fusee; Doll House ng MavX Productions; Family Matters ng CineKo Productions; at Nanahimik ang Gabi mula sa Rein Entertainment.

Nominado naman sa pagka-Best Director sina Marla Ancheta (Doll House); Ma-an L. Asuncion-Dagñalan (Blue Room); Real S. Florido (Bakit ‘Di Mo Sabihin); Nuel Crisostomo Naval (Family Matters); at Shugo Praico (Nanahimik ang Gabi).

Magpapatalbugan para sa Best Actress category sina Kim Chiu (Always); Max Eigenmann (12 Weeks); Janine Guttierez (Bakit ‘Di Mo Sabihin); Nadine Lustre (Greed); Heaven Peralejo, (Nanahimik ang Gabi); at Rose Van Ginkel (Kitty K-7).

Bakbakan naman sa pagka-Best Actor sina Elijah Canlas (Blue Room); Baron Geisler (Doll House); Noel Trinidad (Family Matters); Ian Veneracion (Nanahimik ang Gabi); at JC de Vera (Bakit ‘Di Mo Sabihin).

Paglalabanan naman nina Mylene Dizon (Family Matters); Matet de Leon (An Inconvenient Love); Althea Ruedas (Doll House); Ruby Ruiz (Ginhawa); at Nikki Valdez (Family Matters) ang tropeo para sa kategoryang Best Supporting Actress.

Para sa Best Supporting Actor,  nominado sina Nonie Buencamino (Family Matters); Mon Confiado(Nanahimik ang Gabi); Soliman Cruz (Blue Room); Sid Lucero (Reroute); at Dido dela Paz (Ginhawa).

Bibigyang-pugay din ng SPEEd ngayong taon ang hindi matatawarang kontribusyon sa industriya ng pelikulang Filipino ng mga napiling EDDYS Icon awardees na kinabibilangan nina Aga Muhlach, Richard Gomez, Gabby Concepcion, Niño Muhlach, Snooky Serna, Jaclyn Jose, Barbara Perez, atNova Villa. 

Kabilang naman sa bibigyan ng Isah V. Red Award sina Herbert Bautista, Coco Martin, at Piolo Pascual para sa walang sawa nilang pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan.

Igagawad ang Joe Quirino Award sa veteran entertainment columnist, former TV host at content creator na rin ngayon na si Aster Amoyo habang ang beteranong manunulat at dati ring entertainment editor na si Ed de Leon ang tatanggap ng Manny Pichel Award.

Ngayong taon, ipagkakaloob ang Producer of the Year sa Viva Films habang ang Rising Producer of the Year ay ibibigay sa MavX Productions.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Eugene Asis ng People’s Journal.

Ang pamamahagi ng parangal ng SPEEd ay isang paraan din para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at dekalibreng pelikula.

About hataw tabloid

Check Also

Boobay Aparri Cagayan

Boobay muling inatake habang nagso-show sa Aparri

MULI na namang ikinabahala ng mga nagmamahal kay Boobay ang naging eksena nito sa isang show sa …

Liza Soberano

Liza may pa-sulyap sa kaseksihan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI na naman ikinagulat ng lahat ang mga naglabasang fotos ni Liza …

Bato dela Rosa Jonathan Morales Maricel Soriano

Maricel matapang na sinagot, hinarap mga tanong sa Senado

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NASOPLA na kung nasopla ni Diamond Star Maricel Soriano ang Senate investigation kaugnay …

Wilbert Tolentino Asoka Makeup challenge

Asoka Makeup challenge ni Wilbert Tolentino viral

HINDI nagpakabog ang content creator, influencer, at talent manager na si Wilbert Tolentino sa Asoka Makeup Challenge na trending …

SB19 Puregold

Berde at Gento: Kasama na ang SB19 sa bigating OPM lineup ng Puregold

OPISYAL na kinompirma ng Puregold ang kolaborasyon nila sa Pinoy boy band na SB19 at talaga namang kinasabikan ito …