Tuesday , May 14 2024
Sa Sta. Cruz, Laguna Lalaki timbog sa baril, droga

Sa Sta. Cruz, Laguna
Lalaki timbog sa baril, droga

ARESTADO ang isang lalaki matapos masamsaman ng hinihilang ilegal na droga at baril sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Sta. Cruz, lalawigan ng Laguna, nitong Martes, 7 Nobyembre.

Kinilala ang suspek na si Joel De Ocampo, residente sa Brgy. Masapang, Victoria, Laguna, at nakatala bilang street level individual na nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591.

Sa ulat, dakong 4:00 pm kamakalawa nang magsagawa ng buybust operation ang mga tauhan ng Sta. Cruz MPS sa Brgy. Pagsawitan, sa nabanggit na bayan.

Nakompiska mula kay De Ocampo ang anim na maliliit na heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, may timbang na 7.37 gramo, at tinatayang nagkakahalaga ng P50, 853; P500 buybust money; isang pouch; isang caliber .38 revolver na may tatlong bala; at isang sling bag.

Kasalukuyang nakapiit sa Sta. Cruz MPS custodial facility ang suspek para sa angkop na disposisyon at dokumentasyon. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Vilma Santos

Ate Vi muling pinatatakbo ng mga taga-Batangas, Ryan hinihikayat din

HATAWANni Ed de Leon TALAGA palang mahigpit ang petisyon ng mga Batangueno kay Ate Vi (Ms …

Las Piñas City Crisis Center for Women and their Children pinasinayaan

Las Piñas City Crisis Center for Women and their Children pinasinayaan

BINUKSAN nitong Miyerkoles, 8 Mayo, ng pamahalaang lungsod ang Las Piñas City Crisis Center for …

Jessica Sese Francisco

HDO inihain ng BI vs ‘estapadorang’ dra.

ISANG babaeng nagpapakilalang doktor ang inilagay sa hold departure order (HDO) ng Bureau of Immigration …

doctor medicine

Akusasayon laban sa Bell-Kenz mahirap patunayan — Herbosa

AMINADO si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa na mahirap patunayan ang alegasyong ‘unethical …

Dead Electricity

SK Chairman sa Negros kumisay sa instalasyon  ng bombilya todas

BINAWIAN ng buhay ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman matapos makoryente sa Brgy. Bandila, sa …