Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

Mga operasyon ikinasa ng Bulacan PNP
10 tulak, 8 suspek sa krimen hinakot 

DINAKIP ngmga tauhan ng Bulacan PPO ang 10 hinihanalang drug peddlers, limang wanted persons, at tatlong law offenders sa iba’t ibang operasyon na isinagawa nitong Miyerkoles, 7  Nobyembre.

Ayon sa ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, magkakahiwalay na buybust operations ang isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Jose Del Monte, Meycauayan, Angat, Pandi, Plaridel, at Obando C/MPS, kung saan nasakote ang sampung 10 indibiduwal na  nagbebenta ng droga.

Nasamsam sa operasyon ang 36 plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakalahalaga ng P65,571.00, iba’t ibang drug paraphernalia, at buybust money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakompiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 na isasampa sa korte laban sa suspek.

Samantala, naaresto ng tracker team ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Norzagaray, San Jose Del Monte, Calumpit, at Balagtas C/MPS ang limang wanted na na indibiduwal sa iba’t ibang kaso.

Kinilala ang mga arestadong suspek na sina Jocelyn Chavaria, kasong Light Threats (RPC Art. 285) sa Sitio Hulo, Brgy. Caysio, Sta. Maria: Rolly Berces, Attempted Homicide sa Brgy. Minuyan, Norzagaray; Dexter Belleza, Violence Against Women and their Children (RA 9262) sa Brgy. San Rafael V, San Jose Del Monte; Rusco Madla, paglabag sa Bouncing Check Law (BP 22) sa Brgy. Balungao, Calumpit; at Ogie Polintan, Reckless Imprudence Resulting in Less Serious Physical Injuries and Damage to Property sa Brgy. Santol, Balagtas.

Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng kanilang arresting unit/station ang mga suspek para sa tamang disposisyon.

Gayondin, dinakip ng mga tauhan  ng Marilao at Baliwag M/CPS ang tatlong indibiduwal nang magresponde sa iba’t ibang insidente ng krimen.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Waldo at alyas Anko na dinakip sa kasong Robbery sa San Lucas St., Rio Vista Subdivision, Brgy. Sabang, lungsod ng Baliwag; at alyas Anthony na arestado sa kasong pagnanakaw sa Looban I, Brgy. Loma de Gato, Marilao.

Ayon kay PRO3 Regional Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., nasa mandato niya at ng pulisya ng Bulacan ang walang patid na opensiba laban sa ilegal na droga, walang humpay na pagtugis sa mga drug personality, wanted na mga kriminal, at mahusay na solusyon laban sa krimen. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Naomi Marjorie Cesar Hussein Lorana SEAG

PH tracksters Cesar, Loraña, winalis ang 800m para sa dalawang ginto

BANGKOK — Naghatid ng pambihirang tagumpay para sa Pilipinas ang SEA Games first-timer na si …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …