Saturday , May 18 2024
Aaron Villaflor Jane de Leon

Aaron Villaflor naghubad dahil kay Jane de Leon

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NABIRO si Aaron Villaflor sa media conference ng bago niyang pelikula sa Vivamax, ang Tuhogkasama sina Apple Dy at Joko Diaz na ang dahilan ng paghuhubad niya ay ang break-up nila ni Jane de Leon.

Matagal nang break sina Aaron at Jane pero hindi maiwasang ikabit pa rin ang pangalan ng aktres sa aktor. Marami rin kasi ang nagtataka sa biglang pagpapa-sexy ni Aaron lalo’t magaling at okey naman ang career nito dati sa ABS-CBN

Hindi po, personal reasons,” natatawang sagot ng aktor. “Matagal na po ‘yun, 2016-2017,” pahabol ni Aaron ukol sa matagal na nilang naging relasyon ni Jane.

Nasabi pa ni Jane na hindi pa sila nagkikita o nagkaka-usap simula nang magkahiwalay sila.

Hindi pa po since the last time we broke up, hindi pa po. And I guess, parang okay na rin ‘yung ganoon. If I see her, I’ll casually greet her. Pero not to the point na we will share stories or personal stuff. Mas okay na po siguro na ganoon na lang para tahimik ‘yung mga bagay-bagay,” esplika ng aktor.

Nasabi rin ni Aaron na masaya siya na maganda ang career ng dating karelasyon. 

Happy ako sa kanya. Hopefully, mag-succeed pa siya sa kanyang craft dito sa industriya natin,” sambit pa ni Arron.

Ukol naman sa pagpapa-sexy inamin ni Aaron na hindi madali ang naging desisyon niya. Nag-umpisa ito noong pandemic nang mag-offer ang Viva ng Huwag Mong Agawin ang Akin para sa Vivamax.

Naipaliwanag naman sa aktor na daring ang role niya at pinag-isipan niya itong mabuti.

At napagdesisyonan nga niyang tanggapin ang offer ng Viva  at after niyon ay nagsunod-sunod na ang project niya para sa Vivamax.

Sa totoo lang malaki ang pasasalamat ni Aaron sa Viva family na ‘ika niya ay sumalo sa kanya sa panahong kailangan niya ng tulong.

Sa latest film niyang Tuhog na idinirehe ni GB Sampedro, maraming maiinit na eksena si Arron sa leading lady niyang si Apple. Kasama rin sa movie sina Joko Diaz, Carlene Aguilar, Nino Bautista, Billy Villeta at marami pang iba.

Ginagampanan ni Apple ang pangunahing karakter na si Abie sa Tuhog na kapareha 

 sina Arron bilang Michael, at Joko sa papel na Roldan, ama ni Michael.

Sa pelikula ayon kay Arron, ibang approach ang ginawa nila sa sexy drama action film na ito. Gayunman, tiyak na malaman at maintriga ang kuwento.

‘Wag palampasin ang Tuhog streaming sa Vivamax simula November 3, 2023. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …