I-FLEX
ni Jun Nardo
HALOS magkasunod ang series ng ex-couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago sa GMA Network.
Kabilang sa cast ng Black Rider si Raymart habang si Claudine ay kasama sa GMA-Regal collab project na Lovers and Liars.
Sa mga post sa kanyang social media, inihayag ni Claudine na nagbabalik series nga siya after a longe time. Tipong may patama pa siya na, “Walang humarang” sa isa niyang post.
Eh nitong nakaraang linggo, naging aktibo siya sa socmed at may banta na mayroon siyang taong haharapin. Hindi niya sinabi kung sino?
Sa sitwasyon ni Claudine, open book na ang ‘di nila pagkakaunawaan ni Rayamart, huh.
Eh nang makasalubong namin si Raymart sa presscon, smile-smile lang siya na parang walang pinoproblema, huh.
Sa totoo lang, pareho lang may TV series ang estranged couple sa isang network.