MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI naiwasang maiyak sa sobrang kasiyahan ng business woman, talent manager, at TAK Founder na si Merly Perigrino sa pagdating sa kanyang buhay ng bagong alagang si Ram Castillo.
Ayon kay Mommy Merly habang lumuluha, “Sa dami ng mga…naubos na siguro ‘yung luha ko. Siguro ibinigay sa amin ni Lord si Ram para makapagpasaya sa TAK community. Sabi ko nga, kung ano man ‘yung mga nangyayari, ‘yun ay kaloob ng Diyos. At siguro kaya nangyari dahil may reason si Lord.
“At sana, wala itong kompetisyon. At hindi ako marunong makipag-compete kahit kanino. Basta gagawin ko ang lahat para kay Ram.”
Kamakailan iniwan si Mommy Merly ng kanyang alagang lalaki matapos pagtuunan ng atensiyon at pagmamahal na labis ikinalungkot ng TAK founder.