MATABIL
ni John Fontanilla
MUKHANG naging inspirasyon ng singer/ actor na si Darren Espanto sina Adele, Drake, Eminem, Madonna at maging sina Jona, Juris, at Gloc 9 na pare-parehong hindi ginamit ang kanilang mga apelyido at tanging pangalan lang ang kanilang screen name.
Kaya naman from Darren Espanto ay Darren na lang ang gagamitin nito.
Ayon nga kay Darren sa isang interview tungkol sa paggamit ng pangalan na lang bilang screen name at alisin na ang apelyido, “Dinisown na po ‘ko ng pamilya ko. Hindi, joke lang!” biro ng binata.
Dagdag pa nito, “I feel like it goes better with, you know, the brand that I’m trying to portray as a singer and as an artist. So, it’s not really much of a big deal. But for now, it’ just Darren nga po. “