Monday , May 20 2024
Jillian Ward

Jillian posible kayang sumabak sa beauty pageant?

RATED R
ni Rommel Gonzales

EIGHTEEN years old na si Jillian Ward, maganda, sexy, at mahusay kumanta kaya tinanong namin kung may intensiyon ba siyang sumali sa isang beauty pageant tulad ng Binibining Pilipinas o Miss Universe Philippines?

Well hindi po kasi ako talaga passionate about sa mga beauty pageant, pero ewan ko po, para sa akin po kasi talaga, since baby po ako buong buhay ko po is artista na po talaga ako. So, ito po talaga ‘yung nasa puso ko (artista).

“And music po. Siguro mas makikita niyo po talaga ako sa film industry, siguro po more movies, more shows and siguro po music.

“Mas ipu-pursue ko na po ‘yung talent ko pa po sa music, so ayun.

“Sa beauty pageants po hindi pa po siya pumapasok sa isip ko,” at tumawa si Jillian.

Hindi naman po sa ayaw pero siguro lang po talaga hindi pa po siya pumapasok sa isip ko.

”Talagang more on doon po ako sa art po ng acting and music.

“Pero hindi po natin alam, in the future.” 

Si Jillian ay si Kat na nagiging superhero na si Captain Kitten sa month-long special ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Napapanood tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA Network, kasama rin sina Gabby Eigenmann as Dr. Tom at ang Sparkle stars na sina Archie Alemania as Caloy, Angela Alarcon as Coach Abby, Kim Perez as Marty, at Shuvee Etrata as Feline.

Bata pa lamang si Jillian ay kasama na siya sa cast ng fantasy series na nagsimulang umere sa GMA noong 2017 at si Jillian ay 12 years old pa lamang.

Kaya tinanong namin si Jillian kung ano ang feeling na ngayong 18 na siya ay kasali pa rin siya sa fantasy series?

Naku, sobrang na-excite po ako lalo po noong fist taping day ko, na-miss ko po talaga ‘yung production team ng ‘Daig Kayo Ng Lola Ko.’

“Kasi naging family ko po sila for ilang years bago po ako nagsimula ulit sa ‘Prima Donnas,’ tapos naging ‘Abot Kamay [Na Pangarap.’

“So sobrang nostalgic po talaga tapos kasi parang naging baby po talaga ako sa kanila kasi ngayon po dalaga na ako.

“Pero alam niyo po parang baby pa rin po ‘yung trato nila sa akin,” at tumawa muli si Jillian.

So iyon lang po, sobrang na-miss ko po sila and iba po talaga ‘yung feeling, ‘yung kapag matagal niyo pong nakasama tapos naghiwalay kayo tapos balik po again na parang wala pong nangyari na break.”

About Rommel Gonzales

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …