I-FLEX
ni Jun Nardo
TULOY na ang suspensiyon ng It’s Showtime dahil sa statement na inilabas ng ABS-CBN, hindi na nila iaapela ang decision ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).
Sa October 14 ang effectivity ng 12 days suspension sa free TV. Sa October 28 ito magbabalik bilang stronger and better It’s Showtime.
Eh dahil sa suspension, mas pinaaga sa GTV ng GMA ang Balita Ko na simula ngayong araw eh 10:30 a.m. ang simula.
Nakakaawa ang mga nagtatrabaho sa show dahil no work, no pay din sila sa noontime show.