Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jillian Ward

Jillian Ward focus sa karir deadma sa lovelife

MATABIL
ni John Fontanilla

SA edad 18, wala pang balak magka-boyfriend ang tinaguriang Prinsesa ng panghapong palabas ng GMA 7, si Jillian Ward.

Anito sa isang interview, “Aaminin ko po, siyempre hindi ko rin po maiwasan magka-crush din talaga.

“I’m gonna be very honest, parang nagkakaroon po ako ngayon ng real-life crush, pero hindi ko aaminin. 

“Hindi ko aaminin kahit kanino kung sino ‘yun.

“Nag-e-enjoy lang po ako kapag magkasama kami.

In the first place, hindi ko rin po sila binibigyan ng chance na umamin. 

“Ginagawa ko rin pong clear sa kanila na ayoko pa po. May perfect time naman din po talaga kasi ‘yun.

“Kumbaga nga po dati kung sobrang strict si mama at si papa, na-adapt ko po talaga ‘yun sa sarili ko. 

“So, mas istrikto po ako sa sarili ko. Like ‘yung mga nasa paligid ko po sinasabi enjoy-in ko po pagkabata ko, kasi minsan lang po ako magiging bata at kikiligin ng ganito.

Kumbaga darating din po ‘yon, ‘pag tumanda na po ako siyempre hindi ko na po lagi makakasama ‘yung family ko, mga kapatid ko magkakaroon sila ng sarili nilang family.

“So ine-enjoy ko po talaga na magkakasama po kami bago po ako ‘yung talagang hayaan ko ‘yung sarili kong ma-in love,” esplika ni Jillian.

At kahit nga maraming nagkakagusto sa dalaga ay no pansin muna dahil mas gusto nitong bigyan ng oras ang kanyang magandang career.

Bukod sa Abot Kamay ang Pangarap na serye nito mapapanood din ito sa Daig Kayo ng Lola Ko bilang si Captain Kitten.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …