RATED R
ni Rommel Gonzales
ANG Soul Siren na si Nina mismo ang pumili kay John Prats para magdirehe ng solo show niya na Only Nina sa November 8.
“Yeah, we chose him to be our director for our concert.”
Bakit si John?
“Kasi as a new director, kumbaga nakita mo na bago siya pero ang dami niyang magandang nagawa sa mga artist, sa music scene and everywhere, so we would like to collaborate with him.
“And siyempre gusto naming gamitin ang kanyang talento sa pagdidirehe,” pahayag ni Nina.
Gaganapin ang Only Nina sa Samsung Hall ng SM Aura Sa Taguig City.
Kailan ang last major solo concert ni Nina?
“In a bigger venue? Last solo concert ko pero online was two years ago eh, that was like a birthday concert also, pero sa bahay. So, wala, ang tagal na actually.”
Bakit natagalan?
“Hindi ko alam. Ha! Ha! Ha!
“Hindi ko talaga alam kung bakit, siguro masyadong naging busy with mga bar show or whatever, hindi ko talaga alam ang answer to that, eh.
“But now that we’re in a… but now I’m gonna be having a bigger concert in a bigger venue, so I’m pretty much excited.”
Ang musical director concert ay si Bobby Velasco at available ang tickets sa SM Ticket outlets at online via smtickets.com at sa District One sa BGC. Produced ito ng Vera Group Inc. at co-produced ng District One.