COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NAG-REUNION ang mga datint host ng GMA Supershow na napapanood noon tuwing Linggo sa GMA na si Kuya Germs Moreno ang main host.
Four years ago nang huling magkita-kita ang mga co-host ni Kuya Germs. Dapat pala ay noong birthday party ni Sen. Bong Revilla sila nagka-chikahan pero sa dami ng taong dumalo at napakaingay ay nag-decide si Dawn Zulueta na mag-organized at sa ibang venue.
Kaya noong Oct 1 ito naganap sa Manila Private House sa BGC at si Dawn ang nag-host na present din ang asawang si Sec Anton Lagdameo.
Bukod kay Dawn, dumalo rin si Rachel Ann Wolf na nandito sa Pilipinas ngayon on vacation at naka-base sa New Jersey USA. Aksidenteng nagkita sila sa isang mall doon sa New Jersey ni Dawn nang ihatid ang anak sa New York para mag-aral sa Fordham University. Dumalo rin sina Cong Lani Mercado, Jackilou Blanco, Mariz Ricketts, Arlene Muhlach, at Pops Fernandez.
Naroon din ang dating talent coordinator ng GMA Supershow na si Camelites Rigonan at John Night. Hindi naman nakadalo sina Sharon Cuneta, Jean Garcia, at Zsa Zsa Padilla na parehong out of town.
Napakasaya ng mga chikahan na ang mga maintenance ng bawat isa dahil may senior na sa grupo ang pinag-usapan.
Nagpaplano ang grupo na magkita-kita uli ang lahat sa New York next year, in time sa wedding ng anak ni Rachel Ann. In constant communication naman ang grupo sa pamamagitan ng Viber.
Ayon kina Carmelites at John Nite, ang saya saya ng grupo habang nagbabalik-tanaw sa mga nakaraan. Timing din naman at sa Oct. 4ang birthday ng namayapang Master Showman na si Kuya Germs.