MATABIL
ni John Fontanilla
NAGING matagumpay ang pagpapalabas ng Hiraya Theater Production‘s Revelry, Isang Pestibal sa kanilang dalawang tampok na play, ang Tatlo…Buo at Sina-Dasal gayundin ang The Frog Prince sa St. Joseph’s College Auditorium noong September 29-30.
Isa kami sa masuwerteng nakapanood at isa ito sa mga play na hindi ako inantok o naidlip dahil na rin sa sobrang ganda at gagaling ng cast. Hindi bumitiw sa kani-kanilang role ang mga nagsipagganap at ilang beses kaming naluha sa mga eksena, kasama na ang mahuhusay na male at female movers at ng buong produksiyon.
Bukod sa makarr-relate at may matututunang aral sa bawat play na inihanda ng Hiraya Theater Productions, napakahusay ng pagkakasulat at pagkaka- direhe ni Chaps Manansala sa mga play. Bukod sa napakahusay din nitong theater aktor.
Ilan sa mahuhusay na nagsipagganap sa mga play na nabanggit sina BJ Forbes, Fraine Sta Ana, James Lomahan, JP Sumucad, Ethel Osorio, Chase Romero, Rea Farrah Era, Skelly Skelly, Kate Arguilles atbp..