Thursday , June 4 2026
Radyo5 TRUE FM

Radyo5 TRUE FM pinarangalang Best Radio Station, nagtala ng mataas na ratings

MAYbagong milestone na nakamit ang Radyo5 TRUE FM matapos tanghaling ‘Best Radio Station’ sa 11th Makatao Awards ng People Management Association of the Philippines PMAP kamakailan.

Ang pagkilala ay nagpapakita ng malaking tagumpay para sa Radyo5 mula nang nag-rebrand noong Marso at binago ang kanilang programa para maghatid ng makatotohanan at makabuluhang balita na may kasamang programang serbisyong pampubliko sa FM band.

Ayon sa NIELSEN ratings, nasa ika-7 puwesto ang estasyon sa FM band at ika-8 puwesto sa lahat ng estasyon sa bansa, lumampas sa DZBB na nasa ika-10 puwesto. Samantala, batay sa KANTAR ratings, kinilala ang TRUE FM bilang nasa Top 5 sa ikalawang quarter ng 2023.

Tumaas din ang weekly listenership ng estasyon dahil umabot ito sa impresibong 23%. Kasalukuyan pang itinuturing na most followed radio station page sa bansa ang Radyo5 TRUE FM dahil sa 5.2 milyon followers nito sa Facebook.

Ang mga numero na ito ay nagpapatibay ng malaking pag-unlad na nagawa ng estasyon sa pagiging top choice ng mga radio listeners para sa “real, relatable and reliable content” na hango sa kanilang battlecry na “Dito Tayo sa Totoo!”

Kabilang sa mga pangunahing programa ng TRUE FM ang Bangyon Bayan with Mon ni Mon GualvezTed Failon & DJ Chacha, ang flagship news program na Radyo5: Balita PilipinasSana Lourd ni Lourd De VeyraPinoy Konek ni Danton RemotoDr. Love ni Bro. Jun BanaagWanted sa Radyo ni Senador Raffy TulfoHealing Galing ni Dr. Edinell CalvarioCristy Ferminute ni Cristy Fermin at marami pang iba.

“With these achievements, Radyo5 TRUE FM reaffirms its commitment to transparency, accuracy, and fairness in journalism while continuing to provide quality content that resonates with its target audience,” sabi ni Raul M. Dela Cruz, Radyo5 TRUE FM General Manager.

“Tune in to the country’s real, relatable, and reliable radio station and find out why more and more listeners are getting hooked to Radyo5 TRUE FM’s engaging programs,” dagdag pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …