Friday , May 17 2024
arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis nang mangholdap sa Malolos City, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, sa mabilis na pag-aksiyon ng mga tauhan ng Malolos City Police Station (CPS) ay nadakip ang dalawang indibidwal sa naganap na robbery hold-up sa Brgy. Mabolo, Malolos City, Bulacan.

Kinilala ang mga suspek na sina John Michael Alasa at Allen Kevin Alasa, kapuwa residente sa Brgy. San Juan, Malolos City na taas-kamay na sumuko dahil replika lang pala ang gamit na baril sa panghoholdap.

Nakompiska sa mga arestadong suspek ang mga gamit ng huli nilang biktima at airsoft gun replica na ipinangtututok nila bilang panakot sa mga binibiktima.

Napag-alamang ang dalawang suspek ang itinuturong may kagagawan ng sunod-sunod na panghoholdap at pagnanakaw sa Malolos City at karatig lugar.

Ang mga arestadong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Malolos CPS, samantala kasong kriminal na paglabag sa  RPC Article 294 (robbery hold-up) at RA 10591 kaugnay sa paglabag sa Omnibus Election Code ang inihahanda para isampa sa korte. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Alexis Castro Connor Costello

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian …

BuCor CHR NBP Bilibid

CHR umarangkada vs strip search ng BuCor

TINANGGAP ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga imbestigador ng Commission on Human …

SHS graduates may libreng TESDA skills assessment sa 2025

MAKATATANGGAP ng libreng TESDA skills assessments ang mga Senior High School (SHS) sa ilalim ng …

Philippines Plane

Para sa DFA
Travel agencies humiling na ikonsidera estriktong ‘visa rules’ sa Chinese tourists

DAPAT timbangin ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Embassy ang positibo at negatibong …

Nuclear Energy Electricity

Unang nuclear power plant posibleng buksan at magamit pagsapit ng taong 2032 – DOE

POSIBLENG mabuksan at magamit ang kauna-unahang Nuclear Power Plant sa Filipinas pagsapit ng taong 2032. …